ILANG araw palang kami rito sa hacienda halos kilalang-kilala na ako ng mga tauhan. Masaya silang kasama at kausap. Hindi ko maramdamang para akong dayuhan sa kanilang lugar. Kung paano nila tratuhin bilang Senorito si Gabriel, ganoon din ang tratong ibinibigay nila sa akin. At gaya ng pagkakaalam ng lolo't lola nito, ganoon din ang pagkakaalam nila na nobya ako ni Gabriel. Hinayaan ko na lang ito at mukhang wala talaga itong balak na itama ang maling hinala ng mga taong nandito sa probinsya. Sa kaloob-looban ko naman, nandoon ang kilig na namumuo sa pagkatao ko. Sa isiping ako ang babaing dinala nito at ipinakikilalang kasintahan, labis ang sayang nararamdaman ko. Hiling ko pa nga na sana wala itong planong paglaruan lang ako? Nangangamba ako na baka may masama itong plinapla

