ISANG mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ni Gabriel. Hanggang sa hindi na siya nakatiis. Inihimpil niya ang sasakyan at nilingon ang dalaga. "May problema ba? Bakit 'di ka kumikibo?" Ngunit nanatili itong walang imik at talagang ibinaling pa nito ang tingin sa labas ng sasakyan. Ilang araw na itong ganito simula ng mabanggit niya ang pangalan ng kakambal nito. Hindi niya maitatangging nakita niya sa mga mata nito ang sakit? Ramdam niyang nakaramdam ito ng selos? Ngunit alam naman niyang wala iyong ibig sabihin kung bakit nabanggit niya si Alisha! Gumuhit man ang kilig at saya sa kaniyang puso at nakikita niya ritong may lihim na rin naman itong pagkagusto sa kaniya, ngunit hindi niya maiwasang mangamba at baka mali ang nasa isip nito? Lalo na't kitang-kita niya sa maga

