Francis' POV "Nakokonsensya ako kuya, ni hindi ko nga matingnan ng diretso si Tito Henry. Gusto ko nang grumaduate sa High School at makipagsalpalaran sa Maynila para makatakas na ako sa kahihiyang to" paliwanag ni Ambe pagkatapos niyang magkwento. Literal na hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi pa rin nagsisink in sa utak ko ang kwento niya. Ni sa imagination ko ay hindi ko maiisip na ganon pala ang asawa ni daddy. All this time pala ay pareho lang kami ng sitwasyon ni Ambe. Less fortunate na nagkaroon lang ng oppurtunity para maiayos ang buhay pero sa mahalay na paraan naman. Siguro nararamdaman niyang pareho lang kami ng sitwasyon kaya komportable siyang sabihin sakin ang kalagayan niya. Nasa gitna na ako ng ideyang gusto ko ring sabihin sa kaniya ang tungkol samin ni Dad pero mas

