Kinuha ni Hans ang itak na nakatusok sa lupa pagkatapos ay tinusok niya ito sa may puno ng saging para matanggal ang mantsa ng ahas sa patalim. Inabot niya sakin ang itak at agad ko naman itong nilagay sa aking sukbitan. "Kuya anong pabango mo?" tanong sakin ni Hans habang dinadampot niya ang kaniyang itak na hinubad niya kanina. "Polo Black, bat mo natanong?" "Ambango kase" pumitas siya ng dahon at ginamit na pangsappin para kunin ang patay na ahas. "Talaga nagustuhan mo ba ang amoy ng pabango ko?" Tumango siya sabay hagis ng hawak niyang ahas sa gitna ng dawagan. That explains why parang pakiramdam ko ay sinisinghot niya ang batok at leeg ko habang magkadikit kami sa taas kanina. Iwinaksi ko ang possibility na magkagusto sakin si Hans, lalo na kung ang dahilan lang naman ay yun

