Ilang minuto na akong nakatingin sa screen ng phone ko. Hindi pa rin nagsisink sa utak ko ang nakikita ko.
Naninikip yung dibdib ko pero pinipigilan kong maiyak. I gave him the benefit of the doubt. Baka may nangyaring hindi maganda. Baka gusto niya lang protektahan ang relasyon namin. Blinock niya ako para aksidente mang maiwan niyang bukas ang phone niya ay walang ibang makakita ng convo namin.
Baka blinock niya ako para makapag enjoy siya ng husto sa pamamasyal at huwag siyang ma tempt na i chat ako.
Baka naman pumayag na siyang magpakasal sa kababata niya. Gusto kong suntukin yung pader knowing na may ibang tao nang makakatikim kay Jake. Ok lang ako sa thought na makapag asawa si Jake at bumuo ng sarili niyang pamilya.
Pero hindi ako ok sa thought na wala ako sa picture.
O Baka naman sinasanay niya na ang sarili niyang mawala ako sa mundo niya. Baka gusto niya akong gantihan sa ginawa kong pag iwan sa kaniya noon.
Baka prank niya lang to. Baka nakauwi na talaga siya at balak niya akong surpresahin.
Sobrang daming pwedeng maging dahilan. Sobrang daming possibility. Pwede naman akong gumawa ng isa pang account para mag imbestiga. Pwede ko namang tanungin na lang si Gino kung may alam ba siya sa plano ni Jake.
Diko namamalayan na umaagos na ang luha sa mga pisngi ko. Pinili kong isipin ang mga negatibong dahilan. Pero mahal ako ni Jake. Ramdam ko yun
It hurts like hell.
Totoo ang sabi nila. Kung sino pa ang nagdudulot sayo ng labis na kasiyahan, sa kaniya ka rin pala labis na masasaktan.
Deserved ko naman siguro to. Karma sa ginawa kong pag iwan sa kaniya noon. Sabi ko na nga ba. Its too good to be true. Bakit ang kasiyahan panandalian lang pero ang kalungkutan ay pangmatagalan. Minsan sunod sunod pa.
I composed myself. Hinanap ko agad sa phone ko ang number ni Gino. I dialed it.
-The number you have dialed is incorrect- sabi ng voice prompt.
Tuluyan na akong humagulgol. Naibato ko ang phone ko sa sobrang galit at pagkainis. Sapo ng dalawang palad ko ang mukha ko habang umiiyak. I stayed like that for a while.
Gusto kong maglupasay.
Pano na ako. Pano na mabubuo ulit ang mundo ko. Nice one Jake. Nakaganti ka na. Sana masaya ka.
Pero bakit? Ano ang dahilan mo Jake. Sana nagpaalam ka man lang. Nag iwan naman ako sayo ng note noon. Maiintindihan ko naman ano man ang magiging dahilan mo.
Agad akong nagbihis para pumunta sa boarding house. Diko pa rin inaalis na baka walang alam si Gino. Gusto ko lang makatiyak. May pasok dapat ako ngayon kase nga ireg ako.
Habang nasa biyahe ay hindi ako mapakali. Para akong wala sa sarili. Para akong may hinahabol na deadline. Kung dati hindi ako naiinis sa trapik ngayon ay halos mapamura ako sa tindi ng trapik.
Tang ina kase andaming bobo sa kalsada.
Gusto ko nang bumaba para takbuhin na lang ang paroroonan ko pero mas pinili kong kumalma na lang. Abot abot ang panalangin ko na sana madatnan ko si Gino sa boarding house. Pag hindi ko siya madatnan don malamang umuwi siya ng baguio since bakasyon naman.
Halos lakad takbo ang ginawa ko pagkababa ko ng jeep. Walang ibang laman ang isip ko kundi ang pag asang sana makakuha ako ng kahit na konting detalye para makabuo ako ng thought about sa tunay na dahilan ni Jake.
Agad akong umakyat sa unit ni Jake. Naka lock ang pinto nang sinubukan kong pihitin ang door knob. Tang ina naiwan ko pa ang susi ko.
Wala akong choice kaya kumatok ako. Abot abot ang kaba ko. Sobrang lakas ng kabog na halos manginig ang buong katawan ko. Dagdag pa ang tagaktak na pawis ko dahil sa pagmamadali.
Pumihit ang door knob, ibig sabihin nasa loob si Gino. Hindi siya umuwi ng Baguio. Nakakita ako ng pag asa... ng kaunting pag asa na malaman ang kasagutan sa mga tanong ko. Sumilay ang ngiti sa labi ko.
Nang tuluyan nang bumukas ang pinto ay isang hindi pamilyar na mukha ang bumungad sakin. Biglang umurong ang ngiti ko at napalitan ng kunot noo.
Bagong boardmate siguro.
"Bakit po" sabi ng lalaking nagbukas ng pinto.
"Ah eh andyan ba si Gino?" tanong ko.
Kumunot ang noo ng lalaki.
"Wala pong Gino dito"
Bigla akong nanghina. Gusto kong mabuwal na lang sa kinatatayuan ko. Humugot ako ng malalim na hininga.
"Ah ganon ba? Nagkamali yata ako ng kinatok. Pasensya na" pinilit kong ngumiti.
Tatalikod na sana ako pero naalala kong mag probe muna.
"Ah gano na pala kayo katagal dito?" usisa ko.
"Kakalipat lang namin last week."
"Ah ok, sige salamat, sensya na ulit"
Tumango lang ang lalaki sabay sara ng pinto.
Tuluyang nanlabo ang paningin ko dahil sa namuong luha sa mata ko. Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Sobrang bigat sa pakiramdam.
I f*****g deserved this.
Nagawa kong mabawi ang lakas ko para makahakbang papalayo sa pintuan ng boarding house. Ang lugar kung saan unang nabuo ang pagsasamahan at relasyon namin ni Jake. Hindi ako makapaniwalang kaya niyang itapon lahat ng iyon ng ganun ganun na lang.
Sino ba naman ako kung tutuusin. I'm a f*****g loser. Hindi naman talaga ako nababagay sa mundo ni Jake in the first place.
I'm just nobody.
Nang makalabas ako ng gate ay huminto ako para tingnan ang bintana ng unit ni Jake for one last time. Hanggang dito na lang siguro to. Pipilitin kong tanggapin. Kelangan kong tanggapin.
Sa sandaling lumayo ako sa lugar na to ay katapusan na ng lahat. Tuluyan nang mapuputol ang ugnayan namin ni Jake.
Hanggang dito na lang.
-=0=-
Lumipas ang mga araw. Umaasa pa rin akong isang umaga ay biglang magpapakita sakin si Jake. O kaya ay magchachat siya.
Pero wala.
Tuloy lang ang buhay. Ipinanganak akong nag iisa. Hindi ko kelangan ng sinoman sa buhay ko. Pinilit kong mag focus sa pag aaral.
Pero useless. Walang araw ang lumipas na hindi sumagi si Jake sa isip ko. Kumusta na kaya siya? Naiisip din kaya niya ako.
Isang lang sigurado ako. Ibang tao na ako ngayon. Hindi na ako yung dating ako. Hindi ko na maaalis si Jake sa isip ko. Naiiyak na lang ako kapag tinitingnan ang mgag pictures niya sa phone ko.
Tang ina gusto ko nang mag move on.
Kating kati na akong gumawa ng isa pang sss account para i message siya. Hindi upang magmakaawang bumalik siya sa piling ko pero para ipakiusap na sana ibalik niya na lang ang puso ko. Kase binigay ko sa kaniya yon ng buong buo. Wala na akong interes pang malaman ang dahilan kung bakit niya ako iniwan sa ere.
'Tama na' sigaw ng isip ko
'Umasa ka pa' sigaw naman ng puso ko.
Pano ko makakalimutan si Jake.
Halos every weekend akong laman ng inuman malapit sa campus. Kung hindi naman ay mag isang mag lalasing sa condo. Pota ano bang nangyayari sakin.
Magkaganon man hindi ko pinabayaan ang pag aaral ko. Huling academic year ko naman na. Binuhos ko na lang ang atensyon sa pag aaral.
Walang alam ang sinoman sa nangyayari sakin. Wala naman akong mapagkwentuhan at yon ang pinakamahirap na part. Sa December pa bababa ng barko si Daddy.
Wala akong mapagbalingan ng kalibugan. Nagtatiyaga na lang ako sa pagsasarili. Pano na lang kung hindi naimbento ang salitang jakol. Yun na lang ang nakapagpapasaya sakin.
Dumating ang pasukan ng mga regular student. Hinanap ko agad si Gino pero nabigo ako. Naglaho din siyang parang bula. Siya na lang ang natitirang hibla ng ugnayan namin ni Jake.
Hindi ko na sinubukang magtanong tanong. Masyado na akong trying hard. Naawa na ako sa sarili ko. Baka lumipat na siya ng school. Madali lang yun para sa kaniya, suportado naman siya ng isang mayamang pamilya.
Ang dati kong hindi pala imik na ugali sa klase ay unti unti kong binago. Natuto akong makisalamuha sa mga kaklase ko. Gusto ko lang ng makakasama sa inuman. Nagulat ako kung gano kalakas mag inom ang mga kaklase ko.
Ikinatuwa nila ang pagbabago ko. Hindi nila alam ang tunay na dahilan. Ginamit ko lang sila para maaliw ako kahit papano para mapabilis ang pagmo move on ko.
Nagtake advantage naman ang mga kaklase kong bading sa bigla kong pagbabago. May mga nangulit, may mga nagparamdam ng pagkagusto sakin. Wala naman silang alam sa buhay ko at sa relationship status ko. Ang lagi ko lang sinasabi ay single ako since birth.
Ilan na rin ang mga na friendzoned ko kahit sa mga babaeng nagdeclare ng kanilang feelings sakin.
Relationship is the last thing I need in life for now.
Hindi naman na sila lugi. Naging open ako sa one night stand. I f****d each and every one of them. Pinagbigyan ko sila under one condition.
'Bawal ma fall'
Sabihin na nating nagpaka pokpok ako. Kesa naman sa buruhin ko yung sarili ko sa pagmumokmok sa pagkawala ni Jake. But I always practice safe s*x.
Pag isa ka sa mga nagkagusto sakin swerte mo kung maka isa ka ulit. Hindi ko alam na ganon pala kalakas ang dating ko sa paningin ng mga tao. Sa paningin ng mga malilibog.
Nag umpisa rin akong mag workout para lalo pa akong sumarap. Ibinuhos ko sa gym ang bakanteng oras ko. Hindi ko man mapantayan ang kakisigan ni Jake at least pag nagkita man kami balang araw mapansin niya ang pagbabago ko.
The best revenge is to make yourself irresistable ika nga. Nagmahal nasaktan nagpa sexy. Ganyan ka corny ang mga status ko sa sss.
Study, workout, f**k, drink.
Yan ang naging routine ko hanggang sa muling pagbalik ni Daddy.