"Akala ko kaya kong kalimutan ka na lang basta pero nagkamali ako" una niyang usal habang magkayakap kami sa banyo sa ilalim ng shower. May ilang minuto na rin kaming magkayakap bago siya nagsalita. Hindi muna ako umimik, sigurado na akong kahit ano pa ang paliwanag niya ay nakapagdecide na ako para saking sarili. "Sana mapatawad moko, gusto kong bumalik sa dati yung relasyon natin" So ganon ganon na lang yun? Nagawa mokong baliwalain sa mahabang panahon tapos gusto mong ibalik na lang sa dati ang lahat ng ganon ganon lang? Kumalas siya sa pagkakayakap sakin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Then tiningnan niya ako sa mga mata. "Babe magsimula tayo ulit" Nanatili akong walang imik, blanko ang exression ng mukha ko. Pinipilit kong pukulan siya ng mapangutyang poker face pero

