Sumabay na ako sa swiming nila pagkatapos nilang mangisda habang hinihintay na mag high tide ulit. Naging pamilyar na ako sa alon ng dagat kaya hindi na ako nahirapang lumangoy. Nagkataon lang talaga na pinulikat ako nung nahulog ako sa bangka kanina. Pinahiram ako ni Ambe ng ginagamit nilang goggles sa pamimitana. Custom made ang goggles at hindi yung karaniwang may dalawang bilog. Namangha ako sa ganda ng mga coral reefs sa ilalim. Buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng ganito. Tatlo kami nina Hans at Ambe na nag swimming habang ang dalawa pa naming kasama ay sinisinop ang mga isdang nahuli nila. Nang mapagod kami sa kakalangoy ay nagpahinga kami sa bangka habang naghihintay ng oras ng pag uwi. ---- Naglakad lang ulit kami pauwi nina Hans at Ambe. Parepareho kaming basa hab

