Francis' POV
Hindi ko inexpect na si Miko ang gagawa ng first move. Masyado ba akong halatang attracted sa kaniya? Sabagay nakatulong siya ng malaki para mapadali para sakin ang pagmamaneho.
Naka ilang ikot din kami sa driving area at masasabi kong madali akong nasanay sa pagmamaneho. Kakaiba ang pakiramdam knowing na kaya ko nang magpatakbo ng sasakyan gamit ang sarili kong mga kamay.
After ng session namin ay niyaya ko siyang lumabas. Mariin naman siyang tumanggi since hindi pa tapos yung shift niya at mayron pa siyang ibang gagawin.
Gusto ko lang sana siyang i treat para kumain sa labas.
Bago ako umalis ay nagkasundo kaming magkita ulit sa susunod na session. Sa day off niya na lang daw kami gumala.
Umoo na lang ako.
Nag commute ako pa uwi at habang nasa biyahe ay diko maiwasang maalala nanaman si Jake. "Ano kayang ginagawa niya ngayon?" Sabi ko sa isip.
I'm having this thoughts habang nakasalpak ang earphones sa tenga ko at nakikinig ng mga kantang may masasakit na lyrics.
Wala talagang forever.
Magi isang taon na rin simula nung umalis si Jake at hanggang ngayon ay di pa rin ako nakaka move on. Kahit pa siguro ilang tao pa ang makilala ko at makapagbigay sakin ng panandaliang aliw ay hindi na mawawala ang nararamdaman ko para kay Jake.
Kung tutuusin pwede ko naman siya i stalk gamit ang ibang account pero iniiwasan ko lang gawin. Desidido akong makapag move on na ng tuluyan at kalimutan siya.
Posible kaya yun?
Malapit nang magpasko at abala na ang mga tao sa paligid. Nakaka unwind kahit papano ang mga nakikita kong christmas decor sa paligid. Nakakagaan ng pakiramdam ang tanawin pagka Disyembre.
Pero hindi rin maiiwasan ang pagkalungkot since ilang taon na rin naman akong nagsi celebrate ng pasko at bagong taon nang mag isa.
Dapat pala pumayag akong sumama kay daddy sa probinsya.
Sumunod kaya ako. Kaso baka magulat si daddy pag bigla akong humabol. Masaya siguro magpasko sa probinsya sa isip isip ko.
Hanapin ko na lang kaya yung mga kamag anak ko para makipasko sa kanila.
Diko na alam ang gagawin ko.
Pagdating ko sa condo ay agad akong naligo at nagpasyang mag syesta sa nalalabing oras ng hapon.
Ding
Narinig kong tunog ng phone ko.
-Nasarapan ka ba?
Miko to.
Nagulat ako sa nabasa kong message. Talagang nagtext pa siya para mangumusta. O hindi direktang nangumusta pero na touch ako. Malamang na nakuha niya yung number ko sa application form na finil up an ko.
-Oo naman
Simple kong reply.
-Sanay na sanay ka na ah,
Sarap mong chumupa.
Medyo nagulat ako sa boldness niya. Sa unang tingin ay dimo aakalaing may taglay siyang kapilyuhan. Wala naman akong ibang kaharutan kaya pwede na siyang pagtiyagaan.
Choosy pa ba ako. Besides diko sure kung bat bigla siyang nagka interes na itext ako I'm definitely out of his league. Parang si Jake lang ang mga leveling niya.
-Hehe di naman
-Tuloy ba tayo sa weekend?
Pagkabasa sa text niya ay kumunot ang noo ko. Teka may usapan ba kami? Niyaya ko lang siyang kumain sa labas bilang pasasalamat sa matiyaga niyang pagtuturo sakin. Alam ko naman kasing tatanggihan niya ako. Kase nga hindi kami magka level.
-Ha? Anong meron?
Nagmaang maangan ako tungkol sa text niya. Ang alok kong kumain kami sa labas ay appreciation lang bilang instructor ko siya sa driving school.
-Sabi mo gagala tayo.
May sinabi ba akong ganun? Ako ba talaga yung kausap niya? Baka naman na wrong send lang siya.
-You mean kakain sa labas?
-Oo ganun na nga.
Nag hesitate ako at the same time ay nag panic. Di naman sa ayoko sa kaniya sino ba naman ako para tumanggi sa kasing guwapo ni Miko.
Iniiwasan ko lang ma attached sa kung sinu sino. Tapos mahuhulog ulit ang loob ko.
Ganun ako karupok.
-Sabihan mo na lang ako kung may changes.
Pagkabasa ko sa message niya ay may dumating pang isang text.
-Kuya musta yung hands on niyo?
Galing kay Nate ang text. Naalala kong nagkaplitan pala kami ng number habang nasa klase kami. Although ngayon lang siya nag text sakin.
-Ayos naman. Bat wala na kanina?
-May inasikaso lang kase ako kuya.
Anyare? Natuto ka na ba mag drive?
-Oo. Naka ilang ikot din kami.
-Ibig sabihin marunong ka na?
-Oo. Konting praktis pa siguro.
-Wow. Buti ka pa kuya. Madali lang ba?
-Oo naman magaling
naman magturo si Miko eh.
-Nice, sana matuto din ako.
-Kaya mo yan kaw pa.
-Sana nga. Sige kuya kita kits na lang next session.
-Ok
Kung alam niya lang kung pano ako natuto malamang magugulat siya. Diko tuloy maiwasang isipin na baka ganun din ang gawin sa kaniya ni Miko pag siya naman ang maghahands on.
Pero imposible yun. Alam kong makukuha agad ni Nate ang magmaneho ng maayos kahit sa unang beses pa lang. May sasakyan naman sila kaya imposibleng walang nagturo sa kaniya.
Hindi ko na pinansin ang text ni Miko. Pag iisipan ko pa kung itutuloy ko ba ang pag aya sa kaniya. Pero wala naman sigurong masama. Isa pa magkikita pa naman kami next session. Sa totoong kalsada naman kami magtitest drive.
Having that thought ay bigla akong kinabahan. Iba pa rin ang ambiance nung kami lang sa driving area versus sa totoong kalsada kung saan marami nang sasakyan.
I simply ignored the thought at natulog na lang.
Bahala na.
…
After ng klase ko ay nagpasya muna akong dumaan ng mall para makabili ng ilang xmas decor. Kahit naman mag isa lang ako sa condo ay nagcecelebrate pa rin naman ako ng pasko.
Hindi magkamayaw ang mga tao sa mall. Ayoko talaga ng ganitong ambiance or hindi lang ako sanay. Ayoko sa mataong lugar.
Im on my way to a department store nung may bumunggo saking isang bata mula sa likuran. Agad akong lumingon para tingnan siya.
Inalalayan ko pa siyang tumayo since natumba siya pagkabunggo sakin.
Nanalaki ang mga mata ko nang makita ko ang mukha ng bata. Bakit parang mini version siya ni Jake?
"Baby are you ok" boses ng isang babae ang patakbong lumapit sa kinaroroonan namin. "Why are you running kase?" Bulalas pa niya.
"Pasensya ka na, medyo malikot lang tong anak ko"
"Ok lang" sabi ko naman saka ako tumalikod at nagpatuloy sa paglakad.
"What happened?" isang pamilyar na boses ang narinig ko pagkatalikod ko.
"Eh etong anak mo takbo ng takbo nakabangga tuloy, he fell over"
Lumingon ako para makatiyak kung tama ba ang narinig ko.
Oh my.
Hindi ako nagkamali ng dinig.
Muling nanlaki ang mga mata ko nang makita ko yung tatay ng bata.
Si Jake?
Biglang naging slow mo yung paligid. Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Halos maghalo halo na ang pakiramdam ko.
Saya, lungkot, pagka miss, pagka sabik na makita siya, inis, selos, galit. Parang gusto kong maiyak sa kinatatayuan ko.
So anak niya pala ang nakabangga sakin. Kaya pala parang hawig niya. Namana sa kaniya yung mata at ilong.
Of all the places bakit dito ko pa siya nakita. Tsaka bakit an laki na ng anak niya gayong wala pang isang taon mula nung umalis siya. Tantya ko ay almost 2 years old na yung bata.
Ang daming katanunga ang ngayoy namuo sa isip ko.
Whats going on?
Nahagip ng paningin ni Jake ang kinaroroonan ko at dahil sa ilang metro lang ang agwat namin ay nagtama ang aming mga paningin.
Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Gusto ko siyang sugurin para mayakap ng mahigpit. Gusto ko siyang halikan right here and right now.
Pero hindi ako makagalaw, hindi ako natinag.
He frowned nang magkatinginan kami na may halong pagtataka? Para bang nabasa kong nagtanong siya sa kaniyang isip 'kilala ko ba to?'
And then ibinaling niya yung atensyon niya sa bata.
"Here let me carry you"
Kinarga niya yung bata at inaya na ang kaniyang asawa.
They passed by me. Dinaanan lang nila ako na para bang hindi nila ako nakita.
Dedma lang nila ako.
Hindi pa rin ako makagalaw. Bakit parang nagdilim ang paligid ko. All of a sudden ay biglang tumigil ang mga tao.
Is this a mob or something.
Is this a prank.
I closed my eyes. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Namamanhid ang buo kong katawan. Sa isang iglap ay hindi na ako makagalaw ng tuluyan.
Then I open my eyes in an instance.
Bumungad sakin ang kisame ng kwarto ko.
Tang ina paniginip lang pala.
I have the weirdest dreams ever.
Diko ma imagine kung sakaling mangyari sa totoong buhay ang napanaginipan ko. Magagawa ko kaya siyang i approach ng ganun ganun lang?
Huminga ako ng malalim kasabay ng pag agos ng luha sa gilid ng aking mga mata.