Ano kaya kung imasahe ko siya para naman mabawasan ang pananakit ng likod niya, hindi naman siguro masama iyun lalo't personal assistant naman niya ako kasali ata iyun sa trabaho ko!. " Sir Zian, masakit po ba ang balikat mo?!" Malambing kong tanong dito, pero hindi manlang ito sumagot or tignan man lang ako. "Uhhm.. Gusto mo imasahe ko! , marunong ako mag masahe!" Ay effected huminto siya sa ginagawa. Ngumiti naman ako ng tumimgin siya sa gawi ko na may gulat sa mukha niya. " Marunung ka?" Tipid nitong sagot sa akin agad naman ako tumango. Hindi naman ito sumagot at umiling nalang ang ulo nito, sabay balik sa dati nitong ginagawa. Mabilis naman ako tumayo sa kinauupuan ko at naglakad ako papunta sa likurang bahagi niya. Napansin ko din na tumingin ito sa akin at sinundan ako

