* * * {©_©} Minadali nila itong lapitan at bakas ang gulat sa muka ni Jian ng makita niya ang mga dugo sa hita ni Jovelyn. " Bakit siya dinudugo?!" Alalang tanong niya ng mahawakan niya si Jovelyn na walang malay. " Sir dalian natin at kailangan na siyang madala sa hospital baka mapano pa ang bata sa sinapupunan nito, lolo't dinudugo siya! " " Ba..bata??..you mean she pregnant?! "Gulat nitong saad sa Mayordoma at dali dali na niyang binuhat si Jovelyn. " Mamaya nalang po tayo mag usap Sir, kaylangan madala muna natin siya sa hospital, baka makunan po siya! " Taranta nitong saad na bakas sa muka nito ang pag alala. Mahigit kalahating oras ang binyahe nila bago sila makarating ng Hospital. Agad naman insikaso ng mga nurs at doctor si Jovelyn. Sa kabilang dako naman, hindi mapakal

