Chapter 01: Transferee

2601 Words
Adrian Evans' POV Buntong-hininga pa ako nang pinihit ko ang doorknob ng apartment ko. This it, Adrian. Your life in a new school begins now. Agad ko rin namang binuksan ang pinto ng apartment ko at kaagad itong nilock nang makalabas ako. Kagabi pa talaga ako kinakabahan na medyo naeexcite dahil new school, new people at new environment na naman. I am not expecting anything sa Goodsman Boys High School pero inaasahan ko lang ang tahimik na buhay ko around this time. Malayong-malayo na ako sa dating buhay na kinagisnan ko at gagawin ko ang aking lahat ng makakaya para maibalik ang saya na gusto kong hangarin. Kaya this time I manifest everything to turn out great. Kahit mahirap ay lalabanan ko to'. Pinili kong mapag-isa kaya papatunayan ko sa sarili ko na mabubuhay ako kahit na ako lang ang tataguyod sa aking sarili. Sobrang lalim ata ng pinag-iisip ko para di mapagtanto na nakarating na pala ako sa harap ng gate ng Goodsman High. Hindi naman din kasi kalayuan ang apartment ko sa school na'to. Kung aking ikakalkula, then that would be an approxiamately three minute walk. "You can do this, Adrian." Bulong ko pa sa aking sarili at hinigpitan ang hawak sa magkabilang strap ng backpack ko. This is my first day here at this school and I sure don't still know anyone. Kailangan kong magkaroon ng good impression sa mga posibleng classmates ko. I mean all boys school doesn't really make a difference from a co-ed school. Yes, that is right, Adrian. Nothing to worry about. Pagkapasok ko sa gate ay agad ko pang pinakita sa guard ang temporary admission slip ko. Binigay yun ng registrar din sakin last time para i-allow daw akong pumasok kahit na wala pang uniform at I.D. to show that I am a new student. Masaya pa namang pinapasok ako ng guard at kaagad ko rin silang nginitian. Mabuti pa ang mga guwardiya dito mabababait at mahinhin. Samantala doon sa dati kong school, kulang nalang lamonin ka ng buhay. Ulit kong kinuha ang schedule form ko na nasa loob ng aking backpack. Tinignan ko naman kung saang section ako malalagay. "4th year section T." Pagkabasa ko schedule form. Anong section T ba? Napakamot lang ako sa aking batok dahil medyo complex ata tong sinulat na section para sakin. May ganun bang section? Only one single letter? Pagkakaalam ko kasing mga section examples is meron talaga yang mga adjectives na nakalagay sa last. But dito, just a letter. One freaking letter. Wala pa namang nakalagay na instructions dito kung saang building tong section T na to. Okay, You know what? I need to stop complaining at magpasalamat nalang na naging isa akong scholar dito sa Goodsman. At isa pa kung magrereklamo lang ako dito walang mangyayari. I need to atleast ask someone para manghingi ng direksyon para makapunta sa section ko. Who to ask to? Napatigil ako sa paglalakad nang may makasalubong akong isang grupo ng mga kalalakihan ang papunta dito malapit sa aking direksyon. Them! I need to ask them. "Excuse me mga bro?" Humarang pa talaga ako sa harapan nila. Kung bibilangin ko anim silang kalalakihan. Napatingin naman silang lahat sa akin na may mga bahid ng pagtataka sa mga mukha nila. "May problema ba, bro?" Tanong nung isang lalaking kulay ashgray ang buhok. Nakasuot pa ito ng harry potter glasses. "Tatanungin ko lang sana kayo kung saan matatagpuan ang Section T? Alam niyo ba?" Walang paligoy-ligoy na tanong ko sa kanilang anim. Sa totoo lang, nahihiya akong magtanong pero kailangan kong kapalan ang mukha ko ng ilang pursyento para matotong maging independent sa sarili. "Eh? Section T?" Tanong pa nung isang lalaking chinito ang mata at mala leonardo de caprio ang hairstyle. Tinanguan ko lang siya sa ulo bilang sagot. "Are you perhaps a transfer student?" Tanong pa nung isa sa kanila na may nilalaro pang fidget spinner sa kanyang kamay. "Oo eh," Bahagya akong napatawa. "Wala pa kasi akong alam sa school na'to kaya gusto ko lang sana magtanong kung alam niyo ba ang direksyon papunta sa section na yun." Paliwanag ko pa sa kanila. Yan I said what needed to be said. Am I getting independent na ba? Maybe, a little hehe. "Sure ka ba na Section T ang section mo?" Tanong pa nung isa pang lalaking parang isang basketball player ang tangkad. Siguro mga nasa 6'2 ata siya? Pahingi naman ng height. 5'2 lang ako. Nakakainggit kaunti. "Sorry to interrupt, bro," Lumabas pa yung isang lalaking mala kpop ang datingan sa pormahan. Nakadye pa na kulay pink ang buhok niya at may mga earrings pa siya sa magkabilang tenga. Whoa? "We know nothing about that section, you should better ask someone else instead." Dagdag pa niya. Eh? Know nothing? But dito sila nag-aaral sa Goodsman High, they might know something-- okay never mind. I understand naman na di lahat ng tao sa school ay alam talaga ang lahat ng class sections. "Ganun ba? I'm sorry for asking." I just heaved a loud sigh from the disappointment. "At isa pa, I think you got the wrong section, silly," Napatingin pa ako dun sa isa pang lalaking nagsalita. Nakaturband pa siya ng kulay black at aaminin ko na kahit gwapo ako ay mas gwapo tong nilalang na nakikita ko ngayon sa aking harapan. By the way? Did he just call me silly? "What do you mean by that?" I asked with curiousity. Hindi ko magets kung ano ibig sabihin niyang 'wrong section' kuno. Section T nakalagay dito sa form paanong nagkamali? "Because such section don't exist here." Halos manlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Eh? Hindi nag-eexist ang Section T? Hindi ko maintindihan. Kung walang Section T na yan, bakit nakalagay sa form ko is 'Section T'? Now this is getting so confusing. I am not dumb but this is quite hard to calculate. "Are you even sure about--" "Sorry. We don't have time for chitchats with a lost kitten," Ani nung lalaking nakaturband. And what the heck? Calling me a lost kitten. That is so weird. "Let's go, boys." Pagtawag niya sa iba niyang kasamahan at kaagad pa akong nilagpasan. Somehow that guy kinds of get in my nerves. Let's just rest assured, Adrian. Maybe wala talaga silang alam kung saan ang section T kaya sinabi nalang niya na wala talaga ang section na yun. Kakalma lang ako ngayon. I need to ask someone reliable at hindi lang basta basta mga students. Baka katulad nung mga lalaki kanina lang ang isasagot pa sa akin. Hindi ko alam kung saan ako naglalakad ngayon para lang makahanap ng mapagtanungan na mga tao para mahanap ang section ko. Kusang dinala nalang talaga ako ng mga paa ko dito sa harapan ng isang pintoan. Binasa ko pa ang nakasulat doon sa may itaas ng pinto. "Student Council Office." Ano naman ba ang ginagawa ko dito sa student council? Oh wait! If the other students doesn't know kung saan ang Section T, then the people in this office might know. Siyempre, A student council officer must know diba? Parte kaya ng trabaho nila na kilalanin ang buong estudyante at mga sections ng bawat year level. Without any second thoughts ay kaagad ko pang kinatok ang pinto nito at naghintay na may bumukas na tao. I just waited for a few seconds nang bumukas rin ito at tumambad sa akin ang isang lalaking mukhang may lahi. Base sa itsura niya, meron siyang kulay blonde na buhok at meron ding kulay blue na mata. Maputi at makinis din ang ang kanyang balat. Could he be half american? "Oh, Hi. Welcome to the office of Student Council. May I help you?" Malambing na ani niyang meron pang isang matamis na ngiti na nakaukit sa kanyang labi. The way he speaks also merong accent. "I am sorry for the interruption but I think I'm kind of lost," Pahayag ko pa sa kanya ng diritso. "What do you mean by lost?" "You see I'm a transfer studen--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla nalang niyang i-snap ang mga daliri niya. Is something wrong? I gave him a confused look. "By any chance, is your name, Adrian Evans?" Kahit naguguluhan man ako kung paano niya nalaman ang pangalan ko ay itanango ko na rin ang aking ulo. How did he even know? "And you're that transferee sa Section T, am I right?" Napahalukipkip pa siya at sumandig sa wall na katabi lang ng door. Why is this guy somehow acting different? But wait, he knows about Section T. That means yung sinabi ng lalaki kanina na hindi daw nag-eexist ang section T is either a lie or baka di lang talaga nila alam. Whatever. Not my business anyway. "Yes." Tipid kong sagot sa kanya. "Are you sure you can survive in that section?" Napakunot noo pa naman ako sa binatong tanong ng lalaking to. "What do you mean by that?" Surely he must mean na baka di ko kayang macatch up ang mga subjects ko due to the reason na transferee ako. Hey, I have a sharp and a genuis mind. Of course I can survive and learn in no time. "Let's not think about that right now," Kita ko pa ang mga kamay niyang nilahad paabot sa akin. "I'm Jacobbes Shan Granger." Pagpapakilala niya pa. "Granger?" "Yes. Granger as in Hermione Granger." That's not what I meant. I just feel like I have heard that surname before but I can't tell where or how. Kaagad ko na ring inabot ang kamay ni Jacobbes at nakipagkamayan din. "Adrian Evans. Call me Adrian." I said. Naglalakad kami ngayon ni Jacobbes papunta sa isang building na kung tawagin pa ay Goods Building. Dito daw nabebelong ang mga 3rd at tsaka 4th year classrooms. Napagdesisyunan din kasi ni Jacobbes kanina lamang na ihatid nalang niya daw ako. Natakot daw siya kasi baka mawala pa ako kung di niya ako sasamahan. This guy is kind of sweet, I guess. He also has that mysterious aura but a bit talkative and bubbly. "And here we are, Adrian." Pahayag pa niya na sabay pa pag-ikot na parang ballerina nang marating namin ang pang-apat na palapag ng Goods Building. Grabe, di ko namalayan na malayo na pala ang inabot ng paglalakad namin dahil sa kadaldalan ni Jacobbes. Napalinga-linga pa ako sa paligid at napansing walang masyadong tao dito sa palapag na ito. Merong apat na classroom ang matatanaw dito pero yung tatlo ay sarado at tila'y parang walang tao. Kung meron man akong maririnig na ingay is yun yung classroom na nasa pinakadulo. Napalunok pa ako sa aking laway sa kaba. Medyo eerie naman ata ang aura ng paligid na to'. Samahan pa nung walang masyadong tao. Pasalamat nalang talaga ako na nasisilawan ng liwanag ng araw ang palapag na to. Dahil kung hindi baka naging set na'to ng isang horror movie. "Let's go inside na, Adrian," Tawag pa sa akin ni Jacobbes habang nauuna pa siyang maglakad. Did he say "Let's"? "Let's?" "Yes, Let's," Nakatalikod lang siya pero bahagya siyang tumingin sa akin. "After all we are classmates." Matapos niyang ipahayag sa akin yun ay kaagad pa siyang nagwink sakin at pinatuloy ang kanyang paglalakad. Okay, that was weird. He just winked at me. Pero still thankful ako dahil kahit papaano may isang kakilala na ako dito sa Goodsman at classmate ko rin siya. That is a relief. Nasa harapan na ako ng nakabukas na pintoan ng Section T daw at papasok na sana nang mapansin at tingnan ako ng lahat. Nakakapanibago na walang babae sa isang classroom at kahit saan ko ilakbay ang mga paningin ko puro lalaki ang nandirito. "Jacobbes, who is he?" Tanong nung isang lalaki na nakatayo sa harapan. Base sa itsura niya para siyang nasa Mid 30s. Nakasuot din siya ng uniform ng teachers so I think mas maigi na sabihin na siya yung adviser or isa sa mga teacher ng section ko. "Oh, he?" Napaturo pa si Jacobbes sa direksyon ko. "He is Adrian Evans, Sir. The Transferee." Kita ko pa na parang nagulat yung teacher sa pagkakasabi nun ni Jacobbes. Gulatin naman pala makakita ng gwapo. Tumingin naman sa akin ng diritso ang teacher at kaagad akong nginitian. "Come here in the front, Mr. Evans." Tawag pa niya sa akin at sa isang malalim na paghinga ay naglakad din ako papunta sa harapan. "How about you introduce yourself for us, Mr. Evans?" Tugon pa niya sa akin at nakangiting tinanguan ko lang siya. Okay, phew. Pinaghandaan ko talaga tong time na to. Nagpractice pa talaga ako kagabi sa mga sasabihin ko para dito sa introduce yourself ko. Hang in there, Adrian. You better man up at wag babakla-bakla. "Can I ask you a question?" Kunot noo pa akong napatingin doon sa may bandang likuran nang may isang lalaking nagtaas ng kanyang kanang kamay. Wait? That guy--Turband guy! Nakita ko pang pati yung iba niyang kasama kanina na nakausap ko ay nakakalat sa iba't-ibang upuan dito sa classroom. These guys. What are they doing here--Wait? They tricked me! "You--the new guy!" I think he is referring to me. "Let him introduce himself first, Mr. Gomez." Saway pa sa kanya ng Teacher namin. "I'll just ask him one teeny bit question, Sir." Pagrarason pa niya. Kita ko pang ngumisi siya ng nakakaloko na nakahalukipkip pang tumingin ng diritso sa akin. What is it with that look of his? "Say, are you a top or a bottom?" Rinig ko pang naghiyawan ang mga ibang kaklase namin sa saya dahil sa kanyang tanong. Habang ako dito tunganga kung anong ibig niyang sabihin. Top? Bottom? Ano yun? What is he even trying to say? Is he mocking me? "I am not quite sure what you're talking about, Mr. Gomez but I don't think I have the right to answer your ridiculous and nonsense question." Wala akong panahon para makipagsagutan sa mga tanong na di naman nagsesense sakin. If by he means by top and bottom is up and down then f*ck him cause I don't get him. Tanging hiyawan ng mga kaklase ko ang nag-eecho sa silid dahil sa sagot ko sa kanya. That should teach him. "Pft." Napatawa pa siya ng bahagya. May nakakatawa ba?! "I did not ask you, Mr. Evans to answer if my question was ridiculous or nonsense. All I asked if you are a top or a bottom." Now this is not making sense to me. Just what is he trying to imply? Ano ba kasing top or bottom? Tang*nang lalaking to kung anong pinagsasasabi. Wala ako sa panahon para makipagsagutan talaga sa kanya pero kung papatagalalin pa namin to ay magsasayang lang kami sa oras. "Fine. I will answer your stupid question," No other choice. It is stupidity versus stupidity. Wala akong alam ano yang Top or Bottom but if papipiliin ako, then I'll pick, "A bottom." Halos magpalakpakan at para pang nagsasasaya sa tuwa ang lahat ng mga kaklase ko. Ano ba tong nangyayari sa kanila. Why are they acting as if they have heard something appetizing? Everyone in here is just too weird. I just said Bottom. Dahil takot ako sa heights siyempre pipiliin ko nalang sa bottom ako kaysa pupunta sa top. That makes sense, right? Whatever. That has been said so I guess that is okay. That guy really made me a fool out of myself by asking such stupid, nonsense, and out of nowhere question. F*ck you, Gomez! --The Only Bottom At Section Top--
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD