Chapter 05: Phobia

1073 Words
Adrian Evans' POV Dahil sa katangahan kong tumakbo ng mabilis palabas ng classroom. Nakalimutan ko pa talaga dalhin yung backpack ko. Good job, Adrian. Great! How thoughtful of you. "Thank you for purchasing here at Goodie Convenience store, Sir. Please come again!" Kahit na wala sa mood ay ngumingiti pa rin ako sa mga costumers namin. Well that is a one simple thing to do for us part timers and full timers. Kailangan talaga ngumiti basta haharap sa costumers to give them a sense of fulfillment. Kahit na pilit na ngiti lang. Matapos ko kasing tumakbo palabas ng classroom kanina ay agad akong dumiritso dito sa convenience store para gawin ng mas maaga ang shift ko. Walang nagpaprocess sa utak ko kanina kaya hindi ko na rin naisipan pang hablotin ang backpack ko. Kung may kalokohang gagawin yung mga kagwang na kaklase ko dun sa mahal kong backpack, bahala na sila. Tutal inaabuso na naman nila ako edi abusohin na rin din nila pati backpack ko. Mga tang*na. Napuno na talaga ako sa kanilang lahat kanina kaya walang pagdadalawang isip akong tumakbo ng mabilis. Hindi ko na nakayanan ang mga pang aabuso nilang nagawa sakin. Hanggang dito ganun rin ang buhay ko? Umalis at nagsumikap akong makalaya sa bahay naming puno ng abuso. Tapos pagkarating ko naman sa section namin ganun din ang mangyayari sakin? P*ta. Pinaglalaruan talaga ako ng tadhana. Kabadtrip! Maya-maya pa ay pumasok na rin si Trescious para palitan ako sa shift. Dala pa niya ang backpack ko na ikinataka ko naman. Akala ko hindi niya dadalhin dahil isa din naman siya sa nakikitawa sakin kanina. "Sabi ko naman sayo diba?" Napatingin ako sa kay Trescious nang tumabi siya sa akin sa counter. "Wag kang magpakita ng kahit anong kahinaan sa kanila. Show them that you're strong, okay?" Ginulo pa talaga ang buhok ko. Sa totoo lang, ibang-iba ang pakikitungo namin ni Trescious sa isa't-isa. Nakadepende kung saang lokasyon kami. Kapag magkasama kami dito sa convenience store ay sobrang palangiti niya at madaldal. Pero pag nasa classroom namin kami ay hindi ako pinapansin. Ewan ko ba kung anong meron sa lalaking to' at di nakikipag-usap sa akin pag nasa paaralan kami. Bagkus ay hilig lang siya makipagkulitan dun sa mga ibang kagwang. Lalong-lalo na sa grupo nila Gomez. "Mauna na ako," Pagpapaalam ko sa kanilang nakashift pa sa store at agad na ring lumabas. Dadaan na rin lang siguro ako sa may kalapit na karenderya pauwi ng dorm ko para panghapunan. Takam na takam ko pang kinakain ang binili kong pagkain kanina lang. Two cups of rice at isang putos ng ginisang ampalaya lang ang binili ko sa karenderya. Saktong 30.00 lang ang bayad at nakakatipid pa ako sa ganun. Kagaya ng ginagawa ko sa classroom kanina ay pinag-aaralan ko lang ang mga copies ng lessons. Mabuti nalang talaga at dinala ni Trescious ang backpack ko dahil kung wala, hindi sana ako makapag-study ngayon. I owe that guy something. Pasado alas otso na rin nang makapagdesisyunan kong bukas nalang ipagpatuloy ang pinag-aaralan kong mga subjects. I have a damn smart brain so studying these subjects is too easy as ABC for me. Late na rin kasi at maaga pa ang pasok ko sa impyerno-- este school bukas. Kung tutuusin impyerno na rin naman ang classroom na yun. Nagbabalat kayo lang talagang tao si Satanas na ang tawag pa ay Section T. Inilabas ko pa yung plastic na nasa trash can. Halos ilang araw na tong nakatambak dito sa apartment ko kaya kailangan ko rin tong itapon sa Garbage bin na nasa ibaba lang ng apartment complex namin. Baka lamotakin pa ako ng mga uod dito pag tumagal pa tong basura sa loob ng room ko. Medyo tahimik na rin ang pasilyo ng apartment complex na tinitirhan ko nang lumabas ako para magtapon ng basura. Malapit na rin kasing mag alas nuebe kaya ganun. Dali-dali rin naman akong bumaba sa pinakaibabang palapag para magtungo sa garbage bin. Nasa second floor kasi ang kwarto ko. Paakyat na ako ng hagdanan papuntang second floor nang bigla nalang kumulog ng sobrang malakas. Nagsisiyawan pa ang mga kidlat na nagpatindig ng mga balahibo ko. Hindi naman nagsabi ang weather caster sana kanina na uulan. Pero bakit bigla bigla nalang yata? Sa di ko mamalayang paraan ay sunod-sunod na mga kulog at kidlat ang naririnig at natatanaw ko sa kalangitan. Para pang nanghihina ang katawan ko at nanginginig ang mga tuhod ko nang dahil dun. H-Hindi. Halos maging istatwa ako sa mga nagsusunod na naririnig kong kulog. Tulong. Napaupo pa ako sa sahig at napatakip sa aking mga tenga. Para akong isang tutang nawawala dahil sa pinagagawa ko ngayon. Bakit sa lahat ng panahon ay ngayon pa kukulog at kikidlat? G-Gusto kong sumigaw ng saklolo pero walang malabas na kahit isang salita ang labi ko. Kaya mo to, Adrian. Wag kang pangambahan. Kulog lang yan. Kahit na ano pang gawing pagpapalakas loob ko sa aking sarili ay di ko magawa. Sadyang kinakain ako ng takot ko. Sa lahat ng ayaw kong tunog na marinig ay yung kulog. Natatakot ako. Nakakatakot dinggin. Tulongan niyo ako. Hindi ko pa namalayan na unti-unti na ring tumutulo ang mga luha sa mata ko. Ganito nalang ba? Wala bang tutulong sa akin? Kahit sino gusto kong may dumamay sakin ngayon. Please lang. Isang napakalakas na kulog ang bumulabog sa buong paligid dahilan para magsisigaw ako. Lumalakas na rin ang pagbagsak ng mga ulan at wala na akong ibang magawa kung di ang hayaang lamonin ako ng takot ko. Kahit naman yata sumigaw ako walang makakarinig sakin. Alalang alala ko pa. Ganito din ang nangyari sakin nung bata pa ako. Mag-isa lang ako sa kwarto. Walang ilaw at kinulong pa. Kumukulog. Kumikidlat. Nakakatakot at wala akong magawa. Kahit na ayaw kong magpakita ng kahinaan sa sarili ko ay nagawa ko pa rin. That experience that happened to me in my childhood traumatize me. Help. Rinig ko pa ang hagulhol ko sa pag-iiyak dahil hanggang ngayon ay di pa rin tumitigil ang pagkulog ng paligid. Ayaw ko na. Gusto ko nang sumuko. Bakit ba ako pinanghihinaan? Tulong. Will there be no hope for me? "Adrian?" Maluha-luha akong napaangat sa ulo ko sa nagsalita ng pangalan ko. "T-Tulongan mo ako." Huling nasabi ko nalang bago ako nawalan ng malay. --The Only Bottom At Section Top--
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD