Chapter 49

1816 Words

"Humanda ka sakin, Hyahhh!" Malakas na sambit ng Martial Dominator Expert kay Van Grego. Naramdaman ng lahat ang pagtaas ng enerhiyang inilalabas sa katawan nito. Napakalakas ng awra nito na kayang paluhudin ang sinumang mababa ang lebel ng rank ng isang Cultivator. Kasabay nito ang pagbunot ng Martial Dominator Expert ng Mid Grade Armament na nasa anyong espada. Napakatalas nito na wari'y kayang hatiin ang sinumang nilalang o bagay idagdag pang may namumuong enerhiya na bumabalot sa espada sa oras ng pagtanggal nito sa loob ng lalagyan nito. Walang sinayang na oras ang Martial Dominator Expert na ito at agad na lumusob sa pwestong kinatatayuan ni Van Grego. Hindi maipagkakailang ang lakas at bilis nito ay mahihirapang kakalabanin ng isang ordinaryong Martial Ancestor Realm Expert.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD