Ang naging kaguluhan sa labas noong nakaraang dalawang araw ay hindi naapektuhan ang ginagawang kilos ng mga miyembro ng Alchemy Powerhouse Association. Sa katunayan ay wala ito sa kanila. Mas naging abala sila sa preparasyong gagawin para sa malaking digmaan o mas mabuting sabihing pag-aangkin ng mga Ibang Kontinente sa maliit na kontinenteng ito ngunit hindi sila nagpadaig. Alam nilang kayang-kaya nilang labanan ang mga ipapadalang mga mandirigmang lalakbay at sasalakay sa Hyno Continent. Ibinigay ni Mr. V ang lahat ng kanilang mga pangangailangan. Sa sobrang dami nila na mayroong masamang nakaaraan at kalunos-lunos na kalagayan noon ngunit ibinangon silang lahat sa putikan at gawin kung ano sila ngayon kung kaya't ang gagawin nilang ito ay hindi pambayad utang kundi pagtanaw ng utang na

