Ilang oras matapos ang pagpulong sa mga Opisyales ng Third Rate Class ay nangalap ng impormasyon si Van Grego tungkol sa Royal Clans sa pamamagitan ng pagsuhol niya sa isang mataas na Opisyales ng First Rate Kingdoms pero nabigo siya kahit na nagbayad siya ng napakalaking halaga ukol dito. Pero lumiwanag ang kanyang mukha lalo pa't may importanteng mga impormasyon pa rin siyang nakuha. Nagtaka siya sa walang balita ang lumabas patungkol sa pagkawasak at pagkawala ng malaking Angkan ng Royal Clans sa pagitan ng Alyansa ng naglalakihang mga kasapi ng Royal Families. Hindi ito lumaganap pero ayon sa tanggapan ng mga awtoridad ng mga First Rate Kingdoms ay binayaran nila lahat ng mga taong sangkot mapa-ordinaryong Cultivator man o maging ang mga Rogue Cultivators ay sinuhulan nila upang m

