Makalipas ang ilang oras... Kahit na anong gawing atake ni Framiyo kay Marciano ay hindi niya ito madaplisan man lang. "Ano ka bang klaseng tao, tao ka pa ba?" Sambit ni Framiyo lalo pa't wala siyang naging laban sa kakaibang depensang mayroon ang binata. Ni hindi na nga ito umiiwas sa mga atake niya. Nagmistula siyang payaso upang kilitiin lamang ang binata. Nasaan ang hustisya ukol dito? "Mr. V suko na ko, ano bang klaseng binata ang pinalaki mo sa Asosasyong pagmamay-ari mo?" Pinal na pagsuko ni Framiyo sa labanang ito na alam niyang walang katapusan kung magiging ganito lamang ang takbo ng labanan. Puno ng kuryusidad at katanungan ang tumatakbo sa knaysng isipan. "Ang binatang si Marciano ay nasa antas pa lamang ng Martial Ancestor Realm kung kaya't hindi ko pa masasabi ang tunay

