Matapos makolekta ni Van Grego ang mga nakakalat na mga Beast Cores at Martial Spirit ay umalis na agad sila dahil wala na siyang interes pa sa ibang bagay lalo pa't sobra sobra na ang nakolekta niya. Agad silang tumungo sa timugang bahagi dahil dito ang pangunahing layunin nila. Inihanda nila ang kanilang sarili at iniiwasan na ang maaaring maging aberya sa pagpunta nila sa isa sa f*******n Areas ng parte ng karagatang ito. Hindi maipagkakailang ang mga kinakailangan pumunta at matanggap ang mana (succession) o ang kayamanang naiwan ng yumaong malakas na Martial Expert. Hindi maipagkakailang wala pang nakatanggap ng succession nito kung Kaya't masasabi mong lubhang napakapanganib ng lugar na pupuntahan ni Van Grego kasama si Nexus Gallo. Walong araw na lamang mula ngayon ang natitira

