"Isang Martial Demonic Beasts ang Martial Spirit niya!" "Katapusan na natin to!" "Isang pang Martial God Realm Expert!" Lahat ay nahintatakutan lalo na't ang gustong pumaslang sa kanila ay isang Martial God Realm Expert din. Isang napakalakas na eksperto na maituturing na panginoon ng lupaing ito ngunit ano ang laban nila sa napakalakas na Cultivator na ito na kahit sila ay isang pitik lamang nito. Tunay ngang kapangyarihan ang nangingibabaw sa mundong ito. Nag-aalinlangan sila kung kaya silang protektahan ng Alchemy Powerhouse Association na siyang tinalikuran nila. Siguradong mamamatay rin sila kung kakampi sa mahinang Asosasyon na ito. "Nagulat ba kayo sa aking munting palabas?! Bwaha!ha!ha!" Nakangising asong sambit ni Framiyo bakas ang pagyayabang sa kanyang titulo bilang Martial

