Volume 1 Chapter 20 Ngayon ay isasagawa niya ang kanyang pangalawang plano at ito ay ang pumunta sa lugar sa pagitan ng pangunahing ruta ng daanan ng first Rate, Second Rate at Third papunta sa Sentro ng bayan. Bilang pagkukubli sa kanyang sarili ay ginamit niya ang nakuha niyang pambihirang Technique na isang twin Technique at yun ay ang Changing Appearance Technique at Body Changing Technique. Natutunan niya ito matapos ang madaling araw niyang paglabas. Di niya na rin kailangang matulog, maging ang uhaw maging ang makamundong gawain sapagkat isa na siyang ganap na Martial Art Expert. Patiloy lamang siyang nabubuhay sa pamamagitan ng paghigop ng enerhiya ( Martial Qi) para patuloy na mabuhay. Isa itong advantages ng pagiging Martial Art Expert. Matapos niyang matutunan ang Twin Techniq

