Halos lahat ng tao ay nakalabas na sa hall na isa sa malaking gusali na sakop ng Alchemy Powerhouse Association. Marami ang mayroong hindi kaaya-ayang mga ekspresyon sa mukha lalo pa't hindi nila alam kung ano ang magiging kahihinatnan ng kalagayan ng kanilang kayamanan ngayon lalo pa't wala na silang negosyasyon patungkol sa Asosasyong ito. Nawalan sila ng gana sa pamamalakad ng Alchemy Powerhouse Association lalo pa't ang kanilang nakitang mga bagay ay sobrang nakakadiri para sa kanila. Halos karamihan ay nagpapahid ng kanilang mga bibig at nagmumog na parang wala ng bukas. Kahit mayroon silang panghihinayang sa makukuha nilang porsyento sa ibebenta nila ay wala silang magagawa pa lalo pa't nagdesisyon na sila ng padalos-dalos o agaran ng hindi nag-iisip. Mula sa maraming mga grupo n

