Mula sa medyo may kadilimang parte kung saan nasa dulong bahagi ng malaking tarangkahan ay makikita ang limang kataong mistulang nakakubli rito. Alam nilang sa oras na lumabas sila ay katapusan nila. Halata sa atakeng ginawa ng mga sunod-sunurang mga assassins noon na sa kanilang pangangalaga ay nagmistulang mga mababangis na hayop kung saan ay wala na silang kahit anumang kontrol sa mga ito. Hindi nila lubos maisip na ang kanilang ginawang hakbang at mga kilos laban sa malaking Asosasyon nito maging ang pag-ipit nila sa founder ng Alchemy Powerhouse Association at kapwa nila mga Opisyales ay siguradong hindi sila bibigyan ng kaunting awa ng mga ito patunay ngayon na maraming nasugatan sa kapwa nila mga Opisyales. Bakas sa mukha ng mga Grego Clan lalo na sa mga ginawang marahas na atake

