Magkakaroon pa sana ng mahabang diskusyon sa pagitan ni Mr. V at ng limang taong kaharap nito ng biglang umeksena ang isang miyembro ng Alchemy Powerhouse Association. Hindi lamang siya karaniwang miyembro lalo pa't ito ay isa sa may mahahalagang papel kapag may isinasagawang pagdadaos ng malalaking mga okasyon. Makikitang napakaganda nito na animo'y buhay na manika, may bloodline ng Zoron Tribe na kilala sa puppetry. Habang tumatagal ay aakalain mong buhay na manika ito ngunit kaiba lamang sapagkat may buhay itk ngunit din nito matatakasan ang kapalaran ng nasabi nilang Bloodline. Karaniwang kapangyarihan ng lahi ng mga Zoron ay ang mahiwagang hibla at sinulid na siyang makapangyarihang sandata nila. Hindi mo sila gugustuhing makalaban. Ang taktika nila ay hindi sa panlabas na anyo o la

