Sa harapan ng maraming mga Cultivators ay abalang binubuhat ni Dread Ronves ang mga malalaking kahon at makikita ng karamihan ang ibang mga kayamanang nakapaloob sa malalaking kahon na ito. Mayroon ngang mga nalalaglag na piraso ng mga ginto at mga piraso ng diyamante na sa unang kita mo pa lamang ay halatang mamahalin ang mga ito. Maging ang maliliit na scroll ay hindi nakaligtas sa mga mata ng mga Cultivators na naririto. Sino ba ang mag-aakalang makikita nila ang mga bagay na naririto. Mayroong mga grupo na pasikretong nagpadala ng mensahe sa mga Elders ng Serpien Continent. Patunay na rito na malapit ng dumating ang mga Elders. May lakas ang mga ito na hindi bababa sa Martial God Expert pataas. "Tingnan lang natin ang hangal na si Dread Ronves kung may mapapala siya sa kanyang pagi

