Ilang oras na ang lumipas at naactivate na ang dalawang Formation Arrays. Mula sa transparent na mukhang bula ay unti-unting tumigas na animo'y naging isang napakalaking harang na siyang nagbubuklod sa dalawang parte. Isa itong indikasyon na tuluyan ng isinaradong muli ang Hyno Continent mula sa mga tagalabas. Ang mga mananakop na mga Rogue Cultivators ay piniling umalis na lamang sa lugar ng Hyno Continent sa madaling oras maging ang ilang mga ibang Rogue Cultivators na taga-Hyno Continent ay humalo sa mga lilisan sa kontinenteng ito. Gamit ang mga mahahabang bangka papunta sa naglalakihang galyon at mga barko ay mabilis nilang nilisan ang Hyno Continent. "Umalis na tayo sa kontinenteng ito, nakarating na sa akin ang balita mula sa Outer Elders na inimbestigahan ng dalawang eksperton
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


