Habang masayang kumakain ang lahat ay biglang umiba ang atmospera ng tumingin ang lahat sa labas ng entrada papasok sa malaking gusaling ito kung saan gaganapin ang nasabing malaking pagtitipon ng lahat ng mga may mataas na katungkulan sa ng pangalawa at pangatlong Classes. Hindi maitatangging ang pag-iba ng atmosperang ito ay ang pagpasok ng limang taong kung nakikita ngayon ni Van Grego ay lubusan niyang makikilala ang mga ito. Kung ang kaninang mga bisita na miyembro lamang ng Grego Clan ay masasabi mong napakagara ng mga kasuotan ano pa kaya ang limang taong may napakataas na posisyon sa angkan ng mga Grego. Walang iba kundi ang mga magulan ni Van Grego ang lumakad sa harap at ang ibang mga elder ang nasa mga likod nito. Lumabas na din si Van Grego bilang nasa anyo ng matandang si M

