Nagulat ang Martial Doom Fish Beast lalo pa't napakaimposibleng magkaroon ng isang tao na nandito. Hindi niya mawari kung saan ito nanggaling. Hindi maipagkakailang napakadalang ng mga Cultivator ang nandito. Sa nakikita niya kahit na na nagulat siya kani-kanina lang ay parang langaw lang sa kanya ang isang 8- Star Martial Ancestor kung ikukumpara sa kanya. Napangiti na lamang ang Martial Doom Fish Beast. Ipapakita niya sa binata na hindi siya dapat harangan o banggain. Tuturuan niya ito ng leksyon. Nagulat na lamang ang Martial Doom Fish Beast ng makaramdam siya ng sobrang sakit sa kanyang tiyan. Parang mabubutas ang kanyang tiyan sa sakit. Agad niyang tiningnan ang kanyang tiyan at nakita niya ang pagbulwak ng masaganang dugo sa parteng tinamaan ng binata. Agad niyang nakita

