Sa isang silid ay makikita ang namamawis na na batang si Van Grego. Hindi maipagkakailang nahihirapan ito kani-kanina lamang dahil sa selyo na nasa katawan nito. Hindi aakalain na palala ng palala ang pag-atake ng seal sa kaniyang katawan. Kailangan niyang maging handa lalo pa't hindi siya nakakasigurong mabubuhay pa siya sa lakas ng selyo. Habang nagmumuni-muni pa si Van Grego sa mga bagay-bagay ay bigla na lamang lumitaw sa kawalan ang isamg batang lalaki. Nang maramdaman ni Van Grego ang enerhiyang nagmumula sa kaniyang likuran ay bigla na lamang niyang hinarap ito. Gulat na ekspresyon ang makikita sa mata ni Van Grego. Nakikita ni Van Grego ang walang kulay na mata ng batang halos kaedad niya lamang. Ngunit unti-unting kakikitaan ng lungkot ang dalawang mata nito. "Zerk Clamir mabut

