Makalipas ang ilang linggo ay nasa maayos pa rin ang kalagayan ng pamumuhay ng kontinenteng ito. Ngayon ay ang huling linggo ng buwang ito na siyang magsisiklab ang labanan. Unti-unting nararamdaman ng mga nilalang na ito ang pagbabago sa Kontinente ng Hyno maging ang ibang mga karatig na mga kontinente ay animo'y mga mababagsik na mga nilalang na sabik ng manlapa sa kontinenteng ito. Halos lahat ng mga nasa Second Rate Class at First Rate Class ay walang alam sa darating na digmaang magaganap. Ang pagkasira ng selyo sa kontinenteng ito ay hindi pa lubos na alam. Wala silang kaalam-alam na nalalapit na ang kawakasan ng maliit na kontinenteng ito. Sa kabilang banda, halos lahat ng mga kontinenteng malapit sa lugar ng Hyno Continent ay nabalot ng ganid ang kanilang puso. Karamihan sa mga it

