Ilang minuto nagcultivate si Van Grego sa Parang na ito. Agad din niyang binuksan ang Myriad Painting at pumasok sa loob nito. Nakikita niya pagpasok niya pa lamang sa loob ang malahiganteng puno ng Niraya Tree. Hindi man ito maikukumpara sa mga dambuhalang puno sa mga bulubunduking bahagi ng Myriad Painting of Mountain and Rivers ay maituturing na rin itong malaki sa paningin ni Van Grego maging sa sinumang makakakita nito. Gamit ang Immortal Eye ay nakikita niya sa mga pugad na ito na nasa mga sanga ng Niraya Tree ang mga nakahimlay na mga ibong siyamnapu't tatlo ang bilang? Ito ay walang iba kundi ang mga Dragon Sky Birds na isang uri ng Heavenly Beast. Nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Van Grego sa inaasal ng mga ibong ito. Sa laki at bagsik ng mga ito ay parang naduwag ang mga it

