Patuloy lamang lumilipad si Van Grego papunta sa pinakapusod ng kagubatan ng Ult Magna Forest. Wala naman siyang nakikitang o nasasagupang mga mababangis na halimaw o nilalang sa mga dinadaanan niya kung kaya't mas binilisan niya pa ang lipad ng kanyang Flying Sword ngunit mas tinaasan niya ang lebel ng kanyang senses sa mga nagbabadyang panganib at mga pangahas na atake ng sinumang nilalang. Kinain niya ang isang Tier-4 Recovery Pill kanina para manumbalik ang lakas niya ngunit ang kanyang pagod at exhaustion ay ininda pa rin ng kanyang katawan. Ayaw niysng umasa sa mga Martial Pills na gawa niya mismo dahil hindi siya lalakas sa kabuuang aspeto ng kanyang pagiging Cultivator magdudulot lamang ng backflow o masasamang epekto sa kanya ang mga ito. Nagpatuloy pa sa paglalakbay si Van Grego

