Hapon na ngayon at walang ginawa si Van Grego kundi ipagpapatuloy ang kanyang pagcu-cultivate at hindi niya namalayan na limang araw na ang nakalipas ngayon. Lampas isang semana na siya sa patuloy na pagcu-cultivate upang lumakas pa lalo ang kabuuang lakas niya at hindi naman siya nabigo. Mas naging mabilis ang pagcu-cultivate niya sa pagitan ng paggamit ngpaghigop ng Martial Qi sa pamamagitan ng External Qi Absorbing Technique na nagbibigay ibayong lakas sa pangangatawan ni Van Grego ngunit hindi siya nagkaroon ng pagpapataas ng lebel niya. Agad na minulat ni Van Grego aang kanyang mata tanda na tapos na siya sa isinagawa niyang limang araw na Cultivation. Hapon na rin ito at alam niyang maya-maya lamang ay dadating at dadaong na rin ang malaking sasakyang pandaong papunta sa iba't

