Pagkatapos ng engrandeng party sa Salude mansion ay nagpasya na kong umuwi, sumakay ako sa itim na SUV. Sinundo ako ni daddy. Bumabagsak na ang gabi pero sa loob ng sasakyan ay mas madilim pa sa nararamdaman ko. Tahimik lang ako habang si daddy ay masayang nakangiti, inaayos niya ang kurbata sa rearview mirror na parang bagong gising at good mood.
"Good job, anak," aniya, satisfied. "You did it very well. Walang kahirap hirap."
Walang kahirap hirap? Nagpapatawa ba siya?
Napatingin ako sa tuhod ko. Sa ilalim ng manipis na tela ng dress ko ay parang naroon pa rin ang bigat ng kamay ni Martin. Mainit, marumi, mapilit. Ramdam ko pa rin ang laway niya sa aking leeg. Ang pilit na paghalik habang ako ay nakapikit. Pilit kong kinakalimutan ang nangyari. Ang ngiti ko kanina ay hindi galing sa puso kundi dahil sa takot para maka survive.
Pero sa kaniya, walang kahirap hirap?
Gusto ko siyang sigawan. Gusto kong ipagsigawan ang bawat dungis sa dignidad ko, bawat lamog sa kaluluwa ko, bawat pekeng halakhak pero hindi niya iyon kailanman maririnig at hindi niya kailanman papakinggan. Ang importante lang sa kanya ay resulta. Ang pera na kanyang makukuha sa lahat ng transakyong ito.
"Bukas ay meeting na agad with Congressman Salude," dagdag ni daddy habang patagilid na sumandal. "They're signing the logistics contract. Your charm works better than any damn proposal. I'm proud of you."
Proud. Naibenta mo ang anak mo at proud ka. Kaya pala niya ako sinundo sa party ay dahil sa balita. Hindi na niya natiis na sabihin iyon sa akin.
Tumingin ako sa bintana. Ang liwanag ng mansion ay unti unting lumalayo. Parang maliwanag pa rin ang mundo pero sa loob ko wala ng ilaw iyon. Bigla akong napagod.
Tahimik akong huminga ng malalim at bago ko pa mapigilan ang aking sarili, lumabas sa bibig ko ang mga salitang matagal ko ng kinikimkim. Kahit alam kong malabo na ibigay iyon sa akin ni Daddy.
"I want to quit, Dad."
Bigla siyang nagpreno. Kumalabog ang dibdib ko sa takot. Humawak ako sa seatbelt bilang suporta. Tumigil ang sasakyan sa gilid ng daan. Dahan dahan siyang lumingon sa aking gawi. Kinukumpirma kung tama ba ang kanyang narinig.
"Anong sinabi mo?"
Lumingon ako pabalik. Inalis ko ang takot sa aking dibdib. Hindi ako yumuko. Deretso akong tumingin kay daddy. Pagod na kong umarte na ayos lahat ng kanyang pinapagawa sa akin. Ang gamitin ang katawan ko para sa negosyo niya.
"Ayoko na daddy. Tama na. Ayoko ng gawin 'to. Hindi ko na kaya."
Nakita ko kung paano nagdilim ang mukha niya dahil sa sobrang galit. Tense ang panga niya. Biglang uminit ang hangin sa loob ng sasakyan. Naging tensyonado.
Sa hindi ko inaasahan, isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwa kong pisngi. Tumagilid ang aking ulo dahil sa impact. Ramdam ko ang hapdi, ang kirot, ang pagkapahiya.
Nanigas ako sa kinauupuan ko. Nanginginig ang labi ko. Hindi ko alam kung luha ang bumagsak sa aking mukha o dugo mula sa labi kong natamaan.
"Anong gusto mong sabihin?" aniya, may apoy sa boses "Pagkatapos mong magpaka puta, ngayon ay aatras ka? Do you think this is f*****g game, Aria?"
Hindi. Hindi ito laro. Isa itong impiyerno. Unti unti akong nasisira. Hindi ako makapagsalita. Natutunan ko na, the more you speak, the more na masasaktan ka. Pero hindi pa siya tapos.
"Tatlong cycle na ng chemo ang kapatid mo"
Bumilis ang t***k ng aking puso. Alam ko na kung saan ito papunta. Napapikit ako sa sakit na nararamdaman.
"Alam mo ba kung magkano iyon? Kung hindi dahil sa akin patay na siya ngayon. Kung iisipin pwedeng hindi na magpagamot ang kapatid mo, she's going to die anyway."
Kumapit ako sa upuan. Nanginginig. Alam niyang si Bella ang kahinaan ko. Hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan kung bakit walang pagmamahal ang aking ama sa aming magkapatid. Ngunit ang alam ng publiko ay mabuti siyang ama para sa amin. Iyon ang gusto niyang palabasin sa media.
"Pag bumitaw ka, sinong magbabayad sa ospital? Ako? Sa anong pera? Wala akong sponsor kung wala ka. I'll let her rot in that f*****g bed kung kailangan. Mamatay na rin naman siya. Gusto mo ba iyon?"
"Please," mahina kong bulong. " Huwag mo siyang idamay dito."
Dumilat ako.
Lumapit si daddy sa aking mukha. Masama at malamig ang kanyang mata.
"Then do your job."
Ganun lang ako kadaling pasunurin. Yun ang pinakamasakit. Parang sinabi niya na wala akong karapatang mabuhay kung hindi ko siya susundin.
Tahimik kaming bumalik sa daan. Ilang minuto, wala ni isang nagsalita. Ang naririnig ko lang ay ugong ng gulong at sarili kong paghinga.
Akala ko tapos na pero hindi pa pala.
"We're moving to your next assignment. Ako na ang bahala sa mga Salude, kaya wag mo na sila problemahin kapag lumapit pa sila sayo."
Diretso niyang sabi. Walang halong damdamin. Matigas ang bawat kataga na lumabas sa bibig ni daddy.
Napalingon ako sa kanya.
"Who?" pagod kong tanong sa kanya.
He smiled. Hindi ngiti ng isang ama, hind rin ngiti ng tagumpay kundi ngiti ng isang demonyo. Para siyang demonyo sa paningin ko.
"Soren Aldric Santierra"
Napapikit ako sa narinig kong pangalan. Naikuyom ko ang aking kamay. Gusto kong sumigaw at magwala. Tumakbo. Bakit si Soren Santierra pa? Kapag lagi kaming nag kukrus ng landas ay lagi na lang may disgusto sa kanyang mukha. Halata na hindi niya ako gusto. Pero may choice pa ba ako? Wala akong ligtas na mapupuntahan at sa unang pagkakataon...naramdaman kong unti unti akong nawawala.
KINABUKASAN. Maaga akong dumating sa hospital. Hindi pa ganap ang sikat ng araw pero gising na ang mundo sa paligid. Ang mga nurse ay nagmamadali sa mga nakatoka nilang gagawin, ang mga doktor ay seryosong naglalakad, at ang mga pasyenteng nakaupo sa wheelchair habang hinihintay ang routine check.
Wala pa akong gaanong tulog. Tinakpan ko lang ng concealer ang nangingitim kong eyebag sa paligid ng aking mata. Hindi ako mapalagay sa bahay lalo kapag nandoon si Daddy. Iniisip ko kung ano ang kanyang ipapagawa para makuha niya ang gusto niya kay Soren Santierra.
Pumasok ako sa room 340 kung saan naka confine si Bella. Iba ang mundo dito kumpara sa labas. Tahimik ang paligid. Mabagal ang galaw ng oras, parang naiwan lahat ng ingay sa labas ng kwarto.
Nakasandal si Bella sa headboard ng hospital bed. Nangangayayat na siya. Nakasuot ng bonnet para matakpan ang wala na niyang buhok. May nakakabit na tube sa kanyang kamay, may oxygen din sa ilong. pero kahit ganon, ngumiti siya pagkakita sa akin.
"Ate..." mahina pero masaya ang kanyang boses. "Binalhan mo ko ng croissant?"
Napangiti ako kahit may kurot sa dibdib.
"Syempre naman," sabi ko, inilapag ang paperbag sa side table "May konting chocolate filling pa. Wag ka na magreklamo ha, bawal sayo masyadong matamis."
Tumawa si Bella ng mahina, genuine. Parang sandaling nakalimutan ng katawan niya ang sakit. Paborito niya ang croissant kaya hindi ko nakakalimutan na pasalubungan siya nito kapag dinadalaw ko siya.
Umupo ako sa tabi ng kanyang kama. Hinawakan ko ang payat at malamig niyang kamay.
"Okey ka lang ba? Kamusta ka dito?" tanong ko.
Tumango siya bilang sagot "Masakit lang kanina ang ulo ko pero nawala rin. Si nurse Anna 'yung nagbigay ng gamot sa akin. Mabait siya, ate"
Pinakinggan ko ang bawat kwento niya habang kumakain ng tinapay. Tahimik kaming magkasama ng ilang minuto. Ramdam ko ang bawat segundo. Dito, wala akong kailangang suotin na maskara. Hindi ko kailangan umarte. Ang ngumiti ng peke.
Dito, isa akong Ate ni Bella.
"Ate..." tawag niya ulit, mas mahina na ngayon parang may iniisip.
"Hmmm?"
"Saan ka galing kagabi?"
Napahinto ako.
Dumaan sa isip ko 'yung party. Si Martin at ang nakakadiri niyang halik at hawak sa aking katawan. Ang disgustong mukha ni Soren Santierra. Ang sampal ni daddy at ang kanyang banta.
"Sa trabaho," sagot ko, pilit na ginagawang kalmado ang nararamdaman. "Business dinner with Daddy."
"Napagod ka?"
"Medyo" ngiti ko. "Pero okey lang. Worth it naman lalo nakikita kitang okey"
Ngumiti si Bella. Tapos tumingin siya sa bintana. Ang alam niya ay nagta trabaho ako sa kompanya ni Daddy. Hindi niya alam ang pinaggagawa ko para mabuhay lang kaming dalawa. Hindi ko rin masabi sa kanya kung bakit hindi dumadalaw si Daddy sa hospital. Buti ay hindi na niya ako tinatanong tungkol doon. Ayokong magsinungaling sa kanya. Sana maintindihan niya iyon, para naman iyon sa ikabubuti niya.
"Sana makauwi na ko. Ayoko na sa amoy ng alcohol at gamot" aniya pagkalipas ng ilang minuto. Ubos na rin ang tinapay niya kanina.
"Malapit na 'yan" sabi ko. Kahit alam kong hindi sigurado. "Konti na lang, Bella. Tiwala lang."
She nodded but her eyes were starting to close. Napapikit na siya, dahan dahang nilamon ng pagod ang katawan niya. Isa sa kinatatakutan ko kapag pumipikit siya. Pakiramdam ko ay hindi na siya magigising. Ayoko siyang mawala.
Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit at habang payapang natutulog ang aking kapatid, tumulo sa aking pisngi ang aking luha.
Kahit anong gawin kong pigil, lumalabas pa rin ito. Dahil sa sakit kahit gaano mo pa ikubli, nagagawa pa rin nito ng paraan para lumusot.
Sa bawat paghinga niya, parang sinasabi sa akin ng sarili ko:
Kailangan mong ituloy 'to. Para sa kanya. Kahit masira ka pa. Siya lang natitira mong kakampi sa mundong ito.
Pero sa likod ng isip ko, may mahihinang boses na bumubulong.
Paano kung masira ka nga...at hindi mo pa rin siya mailigtas?
Ano ang gagawin ko kapag nangyari iyon? Hindi ko na alam.