Fate-42

2572 Words

Fate-42 Gabi na ng makarating ang apat sa kanilang destinasyon kaya wala na silang oras para mag gala pa at dumeritso na sila sa kanilang booked hotel. Kanya-kanyang nag check in ang apat sa kani-kanilang kwarto sa iisang hotel. Matapos makuha ni Edward ang susi sa kanilang room ay agad na nilang tinungo ang kanilang pansamantalang silid. Pagka-pasok nila sa loob ng kwarto ay sobrang namangha si Kasandra at hindi na n'ya namamalayang naka-buka na pala ang kanyang bibig. "Wow! Ang ganda naman dito," mangha n'yang sambit habang iniikot n'ya ang kanyang paningin sa buong paligid. "Nagustuhan mo ba?" tugon naman ni Edward sabay yakap sa beywang ng babae, subalit hindi pa nga nag iinit ang mga yakap nito ay agad na itong kinalas ng babae. "Bitawan mo ako, Edward!" maasim n'yang sambit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD