Her Cruel Fate Kasandra-30 Napatigil ng takbo ang dalawa sa kanya-kanya nilang mga pwesto. "Ughhhhh…….!" ulit na palahaw ni Kasandra na muling umalingawngaw sa buong kagubatan ng mahigpit na ipinulupot ni August ang kanyang mga buhok sa kaliwang kamay nito. Nagpalinga-linga ang dalawa at pilit na tinutunton kung saan nangagaling ang palahaw na kanilang naririnig. Kapwa hinihingal na sina Jordan at Edward sa kakatakbong kanilang ginagawa. Isang tampal sa puwet ang natanggap ni Kasandra mula kay August at muli na naman s'yang pumalahaw at hindi naman iyon nakaligtas sa tainga ng dalawa. "Ughhhhhhhhhhh! Mga animal kayo! Mga animal! Hinding-hindi ko kayo mapapatawad! Hinding-hindi!" palahaw n'ya habang takot na takot na umiiyak. Malapad ang kagubatan at mahirap hanapin ang palahaw

