Naisip niya na huwag muna umuwi at inayos ang dapat ayusin para kinabukasan na gagawin niya. Hindi niya namalayan na pasadong alas y diez na pala ng gabi. Halos katatapos lang niya punasan ang kotse na kulay itim na inayos niya ng may dumating na isang lalaki. Malamang isa ito sa member ng JJ's Racing Club. Wearing a brown jacket and rugged jeans at alam niyang nagmula ito sa mayamang pamilya. Why,anak-mayaman ka rin naman ah! Kapuna-puna ang aura nito. He's like a powerful man. Ewan niya pero may kakaiba rito. "Ikaw pala ang bagong empleyado rito?" palakaibigan nitong saad sa kanya. Siya ba ang big boss nila? Ngumisi ito at humalukipkip sabay sandal sa gilid ng isang kotse. "Kaibigan ako ng may-ari ng Racing Club na ito," untag nito na kinabigla niya. Tila bang nabasa nito ang n

