Sanay na siya sa ingay ng mga tagasuporta niya na palaging nandyan tuwing may laban siya. Ngayon taon paniguradong hihirangin na naman siyang champion sa larangan ng pangangarera. Gamit ang kulay pulang kotse ng kanyang ama na siyang lucky charm niya.
Swabeng kinabig niya ang manobela sa kaliwa at napangisi siya sa likod ng suot niyang helmet ng maungusan niya ang kalaban hanggang sa marating niya ang finish line.
Her fans scream for her victory again.
Hindi magkamayaw ang lahat sa muling pagkapanalo niya. Sa ilang taon na niya sa mundo ng mga tao nararamdaman na niya ang pagkabored sa pangangarera. No one beat her. Ang gusto niya may isang tao na makatalo sa kanya at iyun ang gusto niyang maranasan. Weird but it's make her happy. Siguro dahil sa habilin ng kanyang mahal na ina na huwag aabusuhin ang kakayahan niya na wala ang mga tao at iyun ang nakakapaglungkot sa kanya. Ang tingin tuloy niya kasi sa mga tao ay mahihina.
Pagkababa niya ng sasakyan agad na sinalubong siya ng kanyang mga crew at masayang binati siya. Inalis niya ang suot na helmet. Natatakpan ng kulay pulang panyo ang ibabang bahagi ng mukha niya.
Ginawa niya iyun para sa privacy niya. Gusto niya makahalubilo niya ang mga tao na hindi siya tinatrato na champion. She want a fair treatment kaya wala ni isa nakakaalam kung ano talaga ang totoo niyang itsura.
"Congrats,idol!!!" masayang-masaya bati ni Aries sa kanya. Ito ang unang tao na hinanap niya pagkaapak niya sa JJ's racing club na pag-aaari ng kanyang ama. Ang kaibigan ng kanyang ina na siya din pinagselosan noon ng kanyang ama. Mabuti na lamang naroroon pa ang lalaki.
Hindi na niya nakilala pa si Mang Rene ang naging tatay-tatayan ng kanyang ina. Pumanaw na ito ng mastroke at nagkaroon ng mga komplikasyon.
"Papicture ulit ako mamaya,ha!" pukaw nito sa kanya.
Napailing na lang siya. Agad na naging malapit siya rito dahil napakafriendly nito at natutuwa siya rito. Paniguradong magugulat ito kung malalaman nitong anak siya ng dating kaibigan nito. Pero sa ngayon kailangan muna niyang magpakamisteryoso.
"Let's go,may interview ka pa," paglapit ng handler niya. Kung tutuusin ayaw niya sana na may ganun pero malaki ang tulong nito para ayusin ang lahat ng dapat ayusin bago at pagkatapos ng laban niya.
Ms.Aselia Enriques,the very strict and so stiff woman she ever met. Pero gustong-gusto niya ito dahil ito ang nagpapaalala sa kanya na dapat maging isang ordinaryong tao siya sa mundo ng mga ito.
"After the interview..may victory party ako para sayo,lahat ng crew sa JJ's racing club ay invited,well,doon naman gaganapin ang party.."walang emosyon nitong saad habang magkaagapay sila naglalakad bitbit ang isang mamahalin nitong bag.
" And of course magdadahilan na naman ako na kailangan mong magpahinga kaya hindi ka makakadalo at magiging isang crew ka na ulit na makikisalo sa party,"mariin nitong saad.
Pinigilan niya ang matawa. Ito lang ang kaisa-isang tao na nakakaalam kung sino siya.
"Thank you,Aselia.."
Tumango lang ito sa kanya at nanatili ang istriktang anyo. Napapailing na lamang siya.