Panay ang ngisi ni Elver sa bawat pag-ungos ng kulay pulang sasakyan sa ibang race car na tila hangin lang na nilalagpasan nito na minamaneho ng kasintahan. Ang kanyang prinsesa. His fearless princess! Ito ang huling kompetisyon na mapapanuod ng lahat na sasalihan ng kasintahan dahil buo na ang pasya nila na bumalik sa mundo nito. Ang mundong-Colai. Napalingon siya sa kina Aries na panay ang sigaw sa katuwaan at ng iba pang crew. Naghigh five silang lahat ng manguna muli si Ms.Red. "Astigin talaga ni idol!" proud na proud na saad ni Aries. "Siyangapala,nakita ko kaya magkasama kanina ah,umamin ka nga may relasyon ba kayong dalawa?" biglang pang-iintriga nito. Nginisihan naman niya ito bilang tugon at nanlaki ang mga mata nito sa pagkamangha. "Seryoso?!" gulilat nito. Nagkibit nama

