Masaya ka ba,prinsesa? Tingnan mo ang ginawa mo? He's hurt! Naikuyom niya ang mga palad. Oo. Nakita niya ang pagdaan ng sakit sa mga mata ng binata sa inakto niya rito. Kung kagabi lang ang saya-saya nito kausap siya ngayon dahil sa karuwagan niya nasasaktan niya ito. Hindi talaga maganda sa pakiramdam. She's hurt too! Mate natin siya! Hindi mo siya dapat saktan! Napaangil siya sa isip. Sumasakit na din ang ulo niya sa panenermon ng wolf niya. "Kim? Ayos ka lang ba?" pukaw sa kanya ni Aries. Marahas siyang bumuga ng hangin bago niya binitawan ang hawak na tools. "Masama pakiramdam ko,ayos lang ba na bukas ko na ito tapusin?"aniya. "Oh? May sakit ka din? Si Elver din pinauwi ko din masama din daw pakiramdam niya," anito. See? Pareho niyo lang sinasaktan ang isa't-isa! "Ganun ba..

