Wow! Mukhang may tatapat na sayo,prinsesa! Namamangha na pinanuod niya ang pagmamaniobra ni Elver sa kotse niya na walang pag-aanlinlangan. Napakasmooth ng pagpapatakbo nito tila ingat na ingat nga ito sa pagmamaneho gaya ng sinabi nito na iingatan ang kotseng iyun. She feel so proud of him. May angas nga ito pero kaya naman nitong pabilibin ka gaya ng nakikita niya ngayon. I swear! Magugustuhan siya ni Haring Jamere! Magaling na racer din ang in-law niya! Napangisi siya. Tama. Tiyak nga magugustuhan ito ng kanyang ama. Ganun din ang kanyang ina. Nasasabik na siyang makilala ito ng kanyang mga magulang. Pero..kailan naman? Agad siyang natigilan sa sinabi ng wolf niya. Kailan nga ba niyang balak na ipaalam rito ang koneksyon nilang dalawa? Marahas siyang napabuga ng hangin. Hindi ni

