Sa isang tahimik na mumurahin restaurant niya dinala si Kimberly. Kung nasa kanya lang ang ATM card niya malamang sa high class resto niya ito dinala. "Pasensya na kung dito kita dinala,"aniya. Sa isang tulad nitong isang successful racer malamang hindi ito kumakain sa mumurahin restaurant lang. " Wala naman problema sakin kung saan lugar,Elver.." Napangiti siya. "Salamat.." Isang ngiti ang tinugon nito sa kanya. "May...sasabihin sana ako," maya-maya saad nito ng magsimula na silang kumain ng inorder nila. "Hmm?" sulyap niya rito. Tinitigan niya ang seryoso nitong anyo. "Bukod sa pagiging si Miss Red ko..may iba pa kong hindi alam ng lahat..mo," marahan nitong saad. "Gaya ng ano?" nanantiya niyang saad. Bigla siya kinabahan. f**k! Napabuntong-hininga ang dalaga bago ito muling

