Kumurba ang gilid ng labi ng lalaking nakatayo sa kanan. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "Hindi namin masasabi kung kabilang ka sa kalaban. Pero ngayon na nandito na kami ay pwede ka nang umalis sa kuweba na ito." Nanaig ang katahimikan sa loob nang ilang minuto bago nilibot ni Alkan ang tingin sa paligid. Nakita niya sa sulok ang isang babae na hawak-hawak ang isang sanggol sa bisig. Pero ang nakapagpatigil sa kaniya ay makitang may isang liwanag na pumapalibot sa sanggol. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya at mabilis niyang iniwas ang tingin para hindi mahalata ng tatlong lalaki ang pagkabigla niya. May liwanag na pumapalibot sa sanggol. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay nakita na niya ang liwanag na iyon noon. Ilang saglit pa ay mas natuod sa kinatatayuan si Alkan

