Kabanata 10: Pagsisimula

1166 Words
Lingid sa kaalaman ng mga ordinaryong tao ang lugar kung saan nakatira ang mga taong may pakpak at iba pang nilalang. Ang lugar ay tinatawag na Tribal. Ito ay isang hindi nakikitang lugar na matatagpuan sa kailaliman ng kagubatan sa paanan ng bundok. Mayroon itong nasirang kaharian na minsang pinamumunuan ng White Wing Tribe at hindi pa rin alam ang dahilan ng pagbagsak ng angkan. Sa kasalukuyan, ang pinakamakapangyarihang mga tribo sa Tribal ay ang mga labi ng dating maluwalhating White Wing Tribe at ang tribo ng kaaway nito, ang Black Wing Tribe. Ang dalawang makapangyarihang tribo ay patuloy sa digmaan laban sa isa't isa na nagreresulta sa pagkakahati ng Tribal sa dalawang bahagi.  Ang hilaga at kanlurang bahagi ay pinangungunahan ng White Wing Tribe habang ang timog at silangan ay pinangungunahan ng Black Wing Tribe. Ang iba pang maliliit na tribo ng mga nilalang na nangako ng katapatan sa alinman sa dalawang makapangyarihang tribo ay nabubuhay sa ilalim ng proteksyon ng tribo kung saan sila nanumpa ng katapatan.  Pero hindi alam ni Alkan ang tungkol sa lugar na Tribal. Namulat lamang siya sa mundong kababalaghan nang magsimula siyang makakita ng mga anino sa paligid niya. Ang makakita ng kakaibang pangitain sa madilim na kalangitan ang dahilan kung bakit hindi na niya natuloy ang balak na magpunta sa peryahan para hanapin si Surikong.  Lakad-takbo siyang tumungo sa kaniyang kotse at pinatakbo ito pabalik sa El Salvador. Iniwan niyang mag-isa sa gitna ng madilim na kalsada ang babae. Ni hindi niya natanong ang pangalan nito. Kaso, nanaig ang takot sa sistema niya.  Ayaw na niyang makakita pa ng kahit na anong kababalaghan. Tama na ang aninong nakaupo sa passenger seat ng kotse niya. Sinulyapan niya ito at para yatang nanunukso pa nang ilang maitim na hamog ay naglakbay tungo sa braso niya at dumikit doon.  Naramdaman niya ang nakakakilabot na lamig na dala ng anino. Pero natuod lang siya sa kinauupuan habang nakatuon ang tingin sa harap. Kahit na kuskusin niya ang parteng 'yon ay hindi nawawala ang anino. Mas lalo pang kumakalat na tila yata pinaglalaruan ang takot niya.  Kaya hindi na niya inisip ang nadikit na malamig na anino sa balat niya at tinuon ang atensyon sa pagmamaneho. Bumalik ang isip niya sa nakitang kakaibang pangitain sa kalangitan.  Hindi niya alam kung pinaglalaruan lang siya ng isipan, pero nakita niya ang pagtingin din ng babae sa kalangitan. Ibig sabihin lang no'n ay nakita rin nito ang nakita niya.  Bigla niyang tinapakan ang preno ng kotse. Kumurap siya at walang pagdadalawang-isip na inikot ang kotse at pinatakbo pabalik sa b****a ng eskina. Binalikan niya ang babae na nakatayo pa rin sa gitna ng madilim na kalsada. Napapikit lang ito nang tumama sa mukha nito ang headlight ng kotse. Naningkit ang mga mata niya at nangunot ang noo.  Hindi na niya pinatay o pinababa ang headlight at agad umibis. Patakbo siyang lumapit sa babae at tumayo sa harap nito.  "Anong nakita mo kanina?" tanong niya. Nag-angat ng tingin sa kaniya ang babae pero hindi umimik. Mas lalong umiksi ang pasensya niya. "Answer me! What did you see earlier?" Nangatal ang ngipin ng babae sa takot. Pinatunog niya ang dila sabay hila sa babae palapit sa passenger seat. Binuksan niya 'yon at pinaupo ang babae ro'n. Nawala na sa isip niya na may kumpul ng hamog ng anino ang nakaupo sa pwestong 'yon.  Agad siyang umikot sa harap at binuksan ang driver's door. Lumulan siya ng kotse at pinaandar ito papunta sa bayan. "Sa'n ka nakatira?" tanong niya. Pero nanatili pa ring nanginginig sa takot ang babae at hindi makapagsalita. Panaka-naka niya itong sinulyapan sa rearview mirror. Gusto niya sanang magalit sa pananahimik nito, pero naisip niyang baka ito ang unang beses na nakakita ng kababalaghan ang babae. Hindi niya magawang magalit dito lalo pa at matatakutin din siya. Sadyang tinatago lang niya at hindi pinapahalata sa ibang tao kung paano manlamig ang pakiramdam niya sa takot.  Umikhim siya. "Ako si Alkan Buena. Ikaw? Anong pangalan mo?" Ilang minuto pa bago sumagot ang babae. "V-Valeria Jimenez." Jimenez? Nangunot ang noo niya. "Are you related to Jimenez...?" Umiling ito. "Galing ako sa karatig-bayan. I was just staying here but I'm not related to the Jimenez of San Roque." Pansin niyang nabawasan na ang tensyon at panginginig ng katawan nito. Umikhim siya. Gusto niya sanang magtanong sa kung anong nakita nito sa kalangitan kanina para makompirma ang hinala niya, pero minabuti niyang itikom ang bibig ukol doon. Alam niyang hindi pa kaya ng babaeng ikuwento ang nakita dahil sa takot.  Ano bang aasahan niya sa isang babae? Likas na matatakutin at iyakin. Lihim siyang napaismid.  Nagkaroon na siguro siya ng hinanakit sa mga babae dahil sa ginawa ni Daniella, pero hindi niya naman masisi ang katotohanan. Gano'n na talaga ang mga babae. Mahina.  "Ihahatid na kita sa inyo," alok niya. "Sa'n ka nakatira?" "Sa sentro, doon sa gilid ng bilihan ng mga bulaklak." Sukat noon ay natahimik ang loob ng kotse. Pansin niyang nabawasan ang hamog ng anino sa paligid. Nangunot ang noo niya. Pagtingin niya sa rearview mirror, nakita niya ang malaking porsiyento ng hamog na nagkukumpulan sa backseat.  Ang mas nakakamangha, wala siyang napansing kahit na kaunting hamog na dumikit sa balat ng babae. Para bang iniiwasan ito ng anino. Mas lumalim ang kunot sa noo niya. Anong meron kay Valeria? Hindi nagtagal ay narating nila ang sentro. Akala niya ay hindi siya makakapunta sa peryahan, pero heto siya't nasa sentro kasama ang babaeng ngayon lang niya nakilala.  "Diyan lang sa tabi," biglang saad ni Valeria.  Pinarada naman niya ang kotse sa gilid ng flower shop na bukas pa sa mga oras na 'yon. Kita niya sa labas ng bintana ang nagliliwanag na peryahan. Maraming tao ang nandoon. Nagsalubong ang mga kilay niya. Pupuntahan ba niya si Surikong? "Salamat sa paghatid," sabi ni Valeria.  Napaikhim siya at napabaling sa nakangiting babae. Wala na ang takot sa mukha nito. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya. Bakit yata ambilis naman nitong makalimot sa takot? Parang kanina lang ay nanginginig pa ito at halos hindi makapagsalita.  Tumango siya at dinukot ang calling card sa bulsa. "Kung may kailangan ka, tawagan mo ang numero na 'yan. Hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos ng gabing 'to kaya tawagan mo ako kung kailangan mo ng tulong." Nabawasan ang ngiti sa mga labi ni Valeria at dumaan ang ilang sandaling takot sa mga mata nito. Pero kahit na gano'n ay ngiti pa rin nitong tinanggap ang calling card na bigay niya. "Salamat ulit!" sabi nito saka umibis. Tinanaw niya ang bulto nito hanggang pumasok ito sa isang eskinita sa gilid ng tindahan ng bulaklak. Saka pa niya binaling ang tingin sa nagliliwanag na perya.  Umibis siya ng sasakyan at malaki ang hakbang na tinawid ang distansyang naghihiwalay sa kaniya sa perya.  Kasunod niya ang maitim na hamog sa likuran. Tama. Dapat lang na sumunod ang mga ito tungo kay Surikong para maisauli na niya sa tindero ang pinahiram nitong salot sa buhay niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD