Kabanata 53: Pagbabalik

1467 Words

Hindi niya nahanap si Manuel sa palasyo. Maging si Gio ay wala. Hindi niya alam kung saan nagpunta ang dalawa dahil ayaw sabihin ng sawiking nagbabantay sa kaniya. Gusto niya sanang lumabas para maglakbay pero lahat ng sawiking tagabantay sa tarangkahan ay pinagbawalan siyang lumabas. "Pero kailangan kong lumabas," aniya nang magkalapat ang mga ngipin sa inis. Hindi niya maintindihan kung bakit kinukulong siya ni Manuel sa palasyo. Seryosong tumingin sa kaniya ang dalawang sawikin. Bumuntong-hinga ang mas malapit sa kaniya. "Ginoong Alkan, pinagbawalan kayong lumabas ng haring Manuel. Mariin niyang inutos na hindi namin bubuksan ang tarangkahan para sa inyo." Mas lalong uminit ang ulo ni Alkan. "At bakit naman?" tanong niya, may inis sa boses. "Hindi namin alam, ginoong Alkan." '

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD