Umuwi na nga kami ng kambal ko sa dati naming bahay ni nanay. Isang linggo rin kaming naglinis ng loob ng bahay pati paligid ng bakuran. Dahil nga wala ng nangupahan at hindi ko nabibisita ay ganito na karumi ang bahay na ilang taon ko rin na hindi na bisita. Mabilis ko lang din naman na na-transfer ang mga bata sa isang public school kung saan din ako nag-aral ng elementary. Sakto rin naman na binitawan ng nangungupahan ang pwesto sa palengke kaya agad akong nag-isip na ako na ang magtitinda gaya ng mga tindang pagkain ni nanay noong nabubuhay pa siya. May ipon naman ako at sa totoo ay wala rin akong nagalaw sa mga ipon ni nanay dahil nga si tatay ang bumuhay sa amin ng mga anak ko sa loob din ng ilang taon. Iniwan ko na talaga ang bahay na pinagawa sa akin ni tatay para wala ng u

