Episode 20

1201 Words

“Ma, tagarito po ba ang Papa namin ni Kuya?” Ang tangka kong paghugas ng mga kamay ko sa gripo sa kusina ay bahagyang naudlot ng marinig ang tanong ni Camilla. Sa kambal talaga na anak ko ay si Camilla ang mausisa. Si Cholo kasi ay hindi ko naringgan na magtanong tungkol sa papa niya kahit kailan. Wala talaga akong binabaggit na kahit na ano sa mga anak ko tungkol sa kanilang tunay na ama. Alam ko naman na darating ang panahon at araw na ito. Magiging mausisa na talaga sila kung sino ang isa pa nilang magulang. “Bakit mo naman naitanong, Camilla?” Tumingin sa akin anak ang anak ko na para bang nabigla ngunit unti-unti rin nagbago ang mukha. “Huwag niyo na nga lang pong sagutin, Ma. Baka marinig pa ako ni Kuya ay magalit pa sa akin,” sagot ng anak kong babae. Nagtataka naman ako k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD