Umuwi na ng bansa si Ma'am Juvy pero hindi niya kasama si Lee. Hindi raw talaga sila nakapag-usap ng maayos dahil na rin wala naman daw sinasabi si Lee. Ang sa akin naman talaga ay wala ng problema kung mas susundin talaga ni Lee ang tatay niya. “Ate, huwag mo ng isipin pa ang problema sa Korea. Baka mamaya kakaisip mo ay mapaano ka pa,” si tita Julie na pinaglaga ng dahon ng lemon grass si Ma'am Juvy. Nakakatulong daw ang pinaglagaan ng lemon grass para bumaba ang presyon sa dugo. Mas gusto raw ni Ma'am Juvy ang uminom ng herbal kaysa gamot na nireseta sa kanya. “Salamat, Julieta at talagang palagay ko ay ito ang makakatulong sa akin. Nasusuka talaga ako sa pag-inom ng pag-inom ng mga gamot,” pasasalamat pa ni Ma'am Juvy at saka nga uminom ng nilagang lemon grass o tanglad sa tagalog

