Malaki na ang tubig sa ibabang bahagi ng bahay kaya kung ano na lang ang pagkain sa itaas ay ang siyang pinagsaluhan namin ni Lee para sa hapunan. “Ma, ang dami na pong tao sa ibang bahay. Bahang-baha na raw po sa loob ng mga bahay nila kaya lumipat muna po rito. Sakay po sila ng barangay service.” Ang kwento ni Camilla na kausap ko na sa cellphone ko dahil sa powerbank na dala ni Lee. “Mabuti nga at may natuluyan sila. Mas maganda talaga na isang buong bahay ang matutuluyan kaysa dalhin sila sa coverd court na walang dingding. Siyan makakapagpahinga sila ng maayos,” ani ko pa sa anak kong babae na nakahiga na rin tulad ko. Narito ako sa silid naming dalawa ni Camilla habang ang Papa nila ay nasa kabilang silid na gamit ni Cholo. Nang maghikab si Camilla ay sinabihan ko ng matulog at hu

