Wala sa hinagap ko na aabot sa ganito ang pagiging pakielamera ni Larisse sa mga bagay-bagay. “Hala!” bulalas ni Bogs na kasunod kong nanakbo. Sino namang hindi magugulat sa dadatnan mong eksena? Just look at her right now! Si Larisse, buwis buhay na gumagapang sa sanga ng halos nakahiga na puno sa may gilid ng umaagos na ilog para lang sagipin ang kuting na nasa bandang dulo ng sanga. “Larissa! Bumababa ka na diyan! Diyos ko po!” nahihintakutan na sabi ni Manay Josie sa kaniya. “What the hell.” Mahina kong bulong ng makitang mas lalo siyang lumapit sa kuting. Mas dumami pa ang mga tao na lumapit sa amin para malaman ang nangyayari. Kaniya-kaniya sila ng reksiyon pagkakita kay Larisse. “Hala si ate! Ang lakas pa man din ng agos ng ilog! Baka malaglag siya diyan!” nag-aalalang sabi n

