Nabigla ako nang lumapit siya sa akin hanggang sa itinapat niya ang kanyang mukha sa aking tenga at bumulong.
"Wala ka maloloko dito." tawa niya sabay distansya na muli.
"Wala ba? Akala ko, meron." Nagkibit-balikat na lang.
"Okay. Let's make a deal. Magsasabi ako ng limang pangalan at pwede ka nang umalis." alok ko.
"Dalawa."
"Lima ang sabi ko."
"Okay! Let's make a deal. Kung ayaw mo sabihin ngayon, bukas na lang. Kung ayaw mo bukas, sa susunod na lang hanggang sa susunod ulit hanggang sa sabihin mo na. Okay?" panggagaya niya.
Napaayos ako ng buhok dahil sa di malamang nararamdaman. Hindi ako naiinis. Hindi rin natutuwa. Ewan.
"Ganito na lang, maghanap ka ng makakausap mo." pagkasabi ko ay umalis na ako.
"Uy teka!" nagulat ako dahil itinabi niya ako sa gilid ng poste tsaka siya nagsalita ulit.
Ibang klaseng babae.
"Kita tayo pagkatapos ng klase bukas. Sasagutin ko na mga limang tanong mo tapos ganon ka din ah. Bye!"
Tuluyan na siyang nawala sa paningin ko habang ako, nakatulala doon.
Sino ba talaga siya? Bakit ba gustong-gusto niyang malaman kung sino ang gusto ko? Di ba dapat yung kaibigan niya ang gumagawa nito?
Kinabukasan, mabilis lumipas ang oras. Wala na akong naintindihan sa tinuro ng guro namin. Nililibot ko lang ang mga mata ko at nanghuhula kung sino sa loob ng classroom na ito ang babaeng makulit na yun.
Ngunit nabigo lang ako. Siguro, tinamad na rin. Magbibintang pa ko tapos hindi pala siya so tinigil ko na.
Umalis agad ako nang maaga para makauwi na dahil wala akong balak sumulpot sa usapan niya. Wala namang mawawala sa akin kahit hindi ako pumunta.
Ano siya? Amo ko? Hindi ako sisipot.
Palabas na ko ng gate nang may humila sa akin at pinaupo ako para matakpan kami ng mga halaman.
"At saan ka pupunta?"
"Bahay. Sasama ka?" nagulat ako sa sinabi ko.
Bakit niyayaya ko pa siya? Mabuti, hindi niya napansin yung tanong ko.
"Wag. Di pwede. Nandun si Kath."
Napakunot ang noo ko.
"Kath? Sino si Kath?"
Lumaki ang mata niya at inayos ang salamin nya.
"Di mo kilala si Kath? Kaklase natin siya. Seatmate ko- Ay! Hindi. Cheatmate ko siya."
Tinitigan ko lang siya. Sinusubukang alalahanin din kung sino si Kath at kung anong itsura niya.
"Aamin kasi siya sayo ngayon eh." dagdag niya sabay tingin sa relo niya. "Hindi pwede yun. Baka matipuhan mo. Kaibigan ko dapat."
"Hmm." Tumayo na ako at tsaka naglakad muli.
"Uy, teka!" ramdam ko na hinahabol niya ko pero dahil medyo maliit siya pati ang hakbang niya, lumalayo ang distansya namin sa isa't isa.
"Ruth. Ruth ang name ko." sigaw niya na nagpahinto sa akin.
Ruth? Hindi common ang name niya.
Ilang segundo rin akong natigilan kaya di na ko nagtaka nang nasa harapan ko siya. Hingal na hingal. Mabuti na lang talaga matangkad ako. Medyo iwas na hingalin.
"One. I'm Ruth. Two. Favorite kong subject yung kay Maam Torres. Medyo close kasi kami nun. Three. Ano pa ba? May dalawa akong kaibigan. Four. Yung isa, may gusto sayo. Five. Yung isa, malay ko dun." paliwanag niya.
Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil may nalaman akong tungkol sa kanya. Ang alam ko lang ay mas mabilis ko nang mahahanap kung sino siya dahil sa sinabi niyang pangalan. Kausapin ko lang ang secretary naming ay matutunton ko na siya.
Iwinagayway niya sa mukha ko ang kamay niya.
"Vin. Hello? Yun yung akin. Eh yung sa crush mo, ano? Makipagkalakalan ka naman."
Nagulat ako nang binanggit niya ang second name ko. Wala pang nakakatawag sa pangalan kong Vin. Usually, Caleb, yung first name ko. Masyado naman yata siyang feeling close para tawagin ako sa second name ko.
Napaiwas ako ng tingin.
"Sa tingin mo, maniniwala ako sayo? Baka niloloko mo lang ako." Nagsimula akong maglakad pagkasabi ko nito.
"Hala siya... Totoo yun! Madaya ka!"
Lumingon ako sa kanya. Di ko inaasahan na nasa likod ko na pala siya. Mabuti hindi kami nagkabungguan. Bumilis yata siya dahil agad niya kong nasundan.
"One. Babae siya. Two. Kaklase natin siya. Three. May buhok siya. Four. Okay siya."
Bumaba ako ng konti para pantayan siya.
"Five. Gusto ko siya." dagdag ko at tsaka naglakad.
Napangiti ako.
Ang husay kong mag-imbento samantalang wala akong nagugustuhan sa room.