40. THANK YOU FOR THE BROKEN HEART. LAST night na nila sa Pangasinan. Sa totoo lang, hindi naman na-enjoy ni Arianna. Pa’no naman kaya siya mag-e-enjoy kung makikita niya ‘yung mahal niya na masaya sa ex nito… na kambal niya pa. “Oy, ‘te! Let’s join them na. Vamonos!” yaya ni EJ sa kanya para pumunta sa bungalow ng boys. Sinundo siya nito, actually. Siya na lang ata ang wala ro’n. Magkukwentuhan lang naman daw, e. “Ang dilim naman,” reklamo niya habang naglalakad sila ni EJ. Dalawang bungalow ang pagitan ng sa kanila kaya hindi masyadong malayo’t tanaw niya agad. At ang dilim sa pwesto ng bungalow ng boys, ha. “Oh? Alam mo na ‘yan, te? Hindi na kita babarahin pa dahil ako lang din ang mababara, ‘di ba?” sabi ni EJ sa kanya. Natawa tuloy siga. “Bakla ka. Oo na, sabi ko nga

